MALUNGKOT ngunit excited akong namaalam sa kanila. Hanggang sa nag-umpisa na ang training ko. Luha, pawis at determinasyon ang baon ko. Nakita ang aking pagsusumikap at naparangalan ako para dito. Nakukuha kong tumawag sa kay Alexia kapag may pagkakataon. Dalawa lang sila ni Deniz na nagpasko kaya medyo malungkot dahil first time ulit na nagpasko silang wala ako. Mabilis na lumipas ang anim na buwan na training sa PNTI sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna. Natapos ang training at naging battalion commander ako at nagkaroon ng award. Hindi nga naka-attend sa graduation si Deniz. Si Alexia lang ang dumating pero ayos lang. Alam kong busy ang kapatid niya dahil na-deploy na naman sa malayo. Nasa North yata siya ngayon. Hindi pa natapos doon ay sumabak ulit sa ilan pang training. Two months