LUMABAS akong may ngiti sa labi. Hinayaan ko na ang mga kasamahan ko na bantayan si Samuel. Kasabay ko si Deniz habang naglalakad. Nilingon ko siya at pareho pa kaming napangisi. Inakbayan niya ako bigla at siniksik sa kili-kili niya. "Deniz!" tili ko at tinulak siya ng malakas. Humalakhak lang ito at humiwalay sa akin. Nahinto kami ng may naka-abang na media sa lobby! Alam agad namin na kami ang inaantay dahil pagkita sa amin ay nagsilapitan agad sila sa amin. Hinawakan ni Deniz ang kamay ko at hinila papunta sa kabilang direksyon. Naghanap ng ibang exit. Hindi kami makakalabas sa dami ng mga tao doon at wala pang sinasabi sa amin mula sa taas na dapat magsalita tungkol dito. Pagdating sa station ay ganoon pa rin. Pinatawag kami ni Director at nagkaroon ng meeting. Pinasalamatan kami