HINDI ako makakain ng maayos dahil syempre hindi ko naman talaga kilala ang mga kasabay ko. Lalo na panay ang tingin sa akin ni Sir Deniz. Nakakailang sumubo. "Too bad, I can't come with you, Bree. Aalis din kasi ako to check my store this morning. Kaya sasabay ka na lang kay Deniz." "Okay lang, Maam." "Maam? Sabi ko Alexia na lang." Natatawa nitong sabi. Ngumiti lang ako ng tipid habang umiinom ng tubig kaya lang nahagip ng mga mata ko si Sir Deniz na titig na titig sa akin. Napaiwas ako ng tingin at nasamid sa iniinom na tubig. Nataranta si Maam Alexia at kumuha ng tissue para sa akin. Hindi niya napansin iyong paninitig ng kapatid niya. "S-sorry," sabi ko at tumagilid dahil sunod-sunod ang ginawa kong pag-ubo. Tinaas ko ang kamay at ngumiti sa kanya saglit para ipaalam na okay la