Sa mismong bahay ng pamilya Tan inilagak ang burol ni Ana Marie Tan. Natagpuan itong patay sa sariling kuwarto nito, katabi ang kapatid na si Joan. Wala naman daw faul play sa pagkamatay ng dalaga ayon sa mga pulis na nag-imbestega. Kaya pinaalam sa publiko na bangungot ang sanhi nang pagkamatay ng dalaga. Naunang dumalaw si Leah at Lyn sa burol ng pinsan. Halos mahimatay ang dalawang dalaga sa paghihinagpis. Kapwa tigmak ng luha ang kanilang mga mata. Hagulhol sabay yakap sila sa kabaong ng pinsan. Mas masakit sa kanila sa kahit na sino man ang nararamdaman. Hindi nila matanggap ang pagkawala ni Ana, lalo pa't kitang-kita nila ang karumaldumal nitong pagkamatay sa walang awang killer na iyon. Ang masaklap pa, hindi nila ito mabigyan nang hustisya. Saksi silang dalawa sa nangyari, pero w