Lakad, takbo ang ginawa ni Lyn. Hindi niya inalintana ang mga sugat sa katawan gawa ng mga nakausling mga sanga-sanga ng mga kanyang mga nadaanan. May time na nasusubsob siya, pero bumabangon agad ulit siya. Kailangan niyang magpakatapang para sa kanyang kaligtasan. Sapagkat tuluyan na silang nagkahiwalay ni Jeff. Kaya mag-isa na lang siya! Mag-isa na lang siya na lalabanan ang takot at takbuhan ang killer hangga't may gigising sa kanya sa totoong mundo. Magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman. Takot para sa kanya at takot para sa mga pinsan! Nang mapagod ay hinga na hingal na natigil saglit siya sa pagtakbo. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Hinawakan niya ang tuhod na dumudugo. Nasapo niya ang pisngi na mahapdi. Minasa-masahe ang mga talampakan niyang puro sugat. "Mommy! Daddy,