[Miyukie's P.O.V.] "Are you okay?" Tanong sa'kin ni John Axle nang huminto kami sa tapat ng malaking gate ng mansiyon nila. Bakas sa mukha ni John Axle ang pag-aalala sa'kin ngunit hindi ko nakikita sa mukha niya ang takot ngayon. Kahit na nga makakaharap namin ang parents niya. Ilang beses akong nag-isip ng magandang paliwanag habang binabagtas namin ang daan pauwi at ngayon nga parang nawala ang lahat ng kinabisado ko sa magiging paliwanag ko sa parents niya. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "O-Okay lang." Muling tinuon ni John Axle ang mga mata sa daan siya. "Relax, hindi ka naman kakalbuhin ni Mommy. Isang sampal lang gagawin sa'yo dahil tinanan mo ang gwapong bunso niyang anak." "Anoo!" Tumawa si John Axle. "Nagbibiro lang ako. Walang masamang gagawin sa'yo ang parent