Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko naman si uncle Bobby na nakangisi sa aking harapan. Mahigpit akong napahawak sa aking tuwalya na nakabalot sa aking katawan. Unti-unti siyang lumapit sa akin at napapaatras naman ako sa bawat hakbang niya papalapit sa akin. At nang makalapat na ang aking likod sa malamig na pader ay mas lalong lumapad ang kaniyang pagkakangiti na ikinakaba ko. Hinagod muna niya ako ng tingin at muli akong binalingan ng may nakakalokong ngiti. Matagal na siyang may pagnanasa sa akin at dahil doon ay hindi ako nagpapaiwang mag-isa rito sa bahay at parating kasama ang pinsan kong si Emong na sampung taong gulang. Gusto kong magsumbong kay tiya Emily dahil sa muntikan na niya akong magahasa noong natutulog ako katabi si Emong. Ngunit alam kon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books