Ngayong araw na gaganapin ang Mr and Ms Campus at ako ang inatasan na kuning judge dahil hindi pumayag si Travis na sumali pa ako sa pageant. Sinuot ko ang binili sa akin ni mommy na long red gown na may malaking slit sa kaliwa at hanggang bewang ang backless nito. Napakagat labi na lang ako noong una ko itong makita panigurado mag-aaway kami nito ni Travis kapag nakita niyang ganito ang suot ko. Hindi na ako nagpasundo sa kan'ya dahil balak ko na lang sumabay sa magulang ko dahil inanyayahan ko rin sila manood ng pageant. Nagsuot muna ako ng blazer para hindi masyadong bulgar ang likod ko pagkarating ko ng campus. Mabuti na lamang at hindi ko pa nakikita si Travis pagkarating namin sa loob ng paaralan. Dumeretso muna ako sa dressing room at pinapunta ko na sila mommy at daddy sa gym dahil