"Mommy?" Mahinang tawag sa'kin ni Sofie habang nagkukusot ng kan'yang mata. Kagigising lang niya habang pababa siya sa aming hagdan, sinalubong ko naman ito at niyakap. "How's your sleep baby?" "Okay lang po Mommy? Where is the handsome guy who brought me here?" Napatigil naman ako sa tanong ni Sofie. Hinahanap niya ang daddy niya na naghatid sa kan'ya kagabi. "Ah baby, umuwi na s'ya kagabi. Mabuti na lang s'ya ang nakakita sa'yo" "You know him mommy? Kasi he told me na may kakilala raw po s'ya rito" "Ah, h-hindi ko s'ya kilala baby nagtanong lang s'ya rito tapos nagkataon na dito ka pala nakatira," tumango lang siya at ngumiti sa'kin. Hindi pa oras para malaman niya ang totoo. Kailangan ko muna mag-ipon ng lakas ng loob para ipaliwanag sa kan'ya at kay Travis. "Sana mommy kasing