BABY

2753 Words

"Travis tama na 'yan, lasing na lasing ka na eh," awat sa 'kin ni Asher. Nandito kami ni Asher sa bar dito sa Makati at heto nagpapakalango ako sa alak. Dalawang linggo na rin simula noong nangyari sa school at hindi na rin s'ya pumasok. Halos araw-araw naman akong pumupunta sa kanila pero hindi naman ako nito kinakausap. Palagi akong nakaabang sa tapat ng bahay nila at nagbabakasakali na makita ko man lang s'ya, pero ni anino ni Saphire ay hindi ko man lang masilayan. "Pabayaan mo na ako Ash, umuwi ka na!" "Paano ako uuwi kung gan'yan ang itsura mo, at sino ang maghahatid sa'yo? Hindi mo naman kayang umuwi mag-isa," wika sa 'kin ni Asher. "Bakit ba ayaw maniwala sa 'kin ni Phie? I didn't do anything to her sister. Naging kaibigan ko pa nga 'yong kapatid n'ya eh," hinarap ko naman si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD