Chapter 2

1576 Words
Chapter 2 "Hello? Isa po akong second year high school student na nagtatrabaho ng part time." ang sabi ni Elise habang nakatutok ang cellphone nito sa kanyang tenga kaya't sa narinig ng dalawa mabilis na nagtanong ang isa sa kanya. "Teka sinong kausap mo?" takang tanong ng lalaki kay elise kaya't binaba niya ng kaunti ang kanyang cellphone. "Mga pulis." mabilis na sagot ni Elise sa lalaki at muking binalik ang cellphone sa kanyang tenga kaya't nakaramdam ng takot ang dalawa. "Ano." gulat na sabi ng lalaki at nanginig sa takot. "Hello, may dalawang lalaki po dito na." hindi na natuloy ni Elise ang kanyang sasabihin ng pinigilan siya ng dalawa at mabilis na kumuha ng bayad ang isang lalaki. "Nakikipag biruan lang naman kami sayo, oh ito na ang bayad namin." mabilis na sabi ng lalaki at inabot na ang kanilang bayad kay elise Mabilis kinuha ni Elise ang kanilang bayad sa dalawang lalaki at ngumiti na ito. "Enjoy to eat." naka ngiti pang sabi ni Elise sa dalawa at yumuko pa ito bilang pag galang sa kanila at tumalikod na ito at tumakbong paalis at mabilis na tinignan ang kanyang relo at nag madali na itong lumabas ng shop. Sa pagtakbo palabas ni elise napatingin si edward sa kanya at sinundan niya ito ng tingin hanggang sa labas ng shop. Masayang nag seserve ng order si elise sa mga costumer sa kaniyang part time job. Mabilis ang kanyang mga kilos dahil mag isa lamang ito sa counter na nag aassist sa mga costumer na dumarating. "Good afternoon ma'am." magalang na pagbati ni elise sa mga bagong dumating na costumer at nag antay ng kanilang oorderin. "Dalawang Regular mango drinks." ang sabi ng isang babae kaya't mabilis na kumilos si elise at gumawa na ito ng Mango Drinks. Pagod na nagpunas ng pawis si elise gamit ang likod ng kanyang palad at lumabas ito sa counter habang wala pang dumarating na mga costumer. Sa paglabas ng counter ni elise agad niyang napansin ang kanyang kababatang si matteo na seryosong nag aaral sa isang table na pinag papart time job ni elise kaya't lumapit ito sa kay matteo. "Anong oras kang dumating?" masungit na tanong ni elise kay matteo. "30 minutes ago." maikling sagot ng kanyang kababata at ngumiti itong tumingin kay elise. "30 minutes kana pala dito hindi kapa nag oorder? magagalit ang manager namin kapag nalaman niya." masungit pang pahayag ni elise kay matteo kaya't napatawa ang kanyang kababata dahil sa kaprangkahan nito. "Wala pa kasi si shiella pero malapit na siya." naka ngiting sagot ng kanyang kababata. "Haaayyy kaya naman pala, ito lang ba ang coffee shop na alam niyo?" pagsusungit na tanong ni Elise ngunit napahinto ito sa kanyang mga sinasabi dahil itinutok ni matteo ang isang folding na payong kaya't nagtaka itong naka tingin kay matteo. "Payong?" takang tanong ni elise sa kanyang kababata. "Uulan mamaya pag uwi mo, gamitin mo baka mabasa kapa ng ulan at magkasakit " concern na sabi ni matteo sa kanya kaya't napangiti ng malawak si elise sa kanyang kababata at umupo na ito sa harapan ni matteo. "Eh kapag umulan nga paano ang girlfriend mo." paniniguradong tanong ni elise kay matteo at mabilis kinuha ni matteo ang kanyang jacket at nilagay niya ito sa kanyang ulohan habang magkabilaan na hawak ang sulok ng kanyang jacket. "Mahilig kasi si shiela na manuod ng mga eksenang ganito ee." Pagpapaliwanag ni matteo kay elise. "Hay arte." maikling pabulong na reklamo ni elise na nagbuntung hininga at narinig naman ni matteo ang sinabi niya. "Humanap kana rin kasi ng boyfriend mo." mabilis na pagpupumilit nito kay elise na maghanap na siya ng boyfriend. "Hindi praktikal iyon para sa akin, masasayang lang ang oras ko kaya't mag tatrabaho nalamang ako." seryosong paliwanag nito kay matteo. "Ilan naba ang part time job mo ngayon?" pag uusisa ni matteo kay elise. "Wala naman akong magagawa, kapag namatay nga ako baka magtatrabaho pa ako sa langit." madamdaming pahayag ni elise kay matteo kaya't napabuntung hininga nalamang si matteo. "Stop looking at her matteo." inis na sigaw ni shiella sa kanyang boyfriend habang naka tayo ito malapit sa kanilang kinaroroonan ng nakadating na ito sa shop at nakitang nag uusap ang magkababata at tuluyan itong lumapit kay matteo na naka busangot pa ang kanyang mukha. "Ah, you're here now." masayang naka ngiti ng malawak si matteo at tumayo ito upang alalayan na umupo ang kanyang girlfriend sa kanyang tabi. "I told you don't flirt my boyfriend right?" mataray na pagkasabi nito nang naka upo na siya sa tabi ni matteo at masamang tinitigan pa si elise. "Maganda ba ako sa paningin mo?" seryosong tanong nito kay shiella habang nakatingin ito ng mabuti kay shiella na spoiled brat. "Hindi ko sinabi na pretty ka!" mabilis na pagkasabi nito sa tanong ni elise at magkasalubong pa ang kilay ni shiella na naka tingin kay elise. "Alam ko pero ikaw sobrang ganda mo kaya't huwag kanang ma insecure at huwag mo ng sayangin ang oras ko." mahabang paliwanag ni elise sa maling inaakala ni shiella sa kanya at mabilis na itong tumayo sa kanyang kinauupuan. "Oorder ba kayo o aalis nalang kayo." seryosong pagtatanong ni elise sa dalawa habang hawak hawak nito ang isang tray. "OMG, ganyan kayo sa costumers niyo? Anong klase bang coffee shop ito?" mataray na pagtatanong ni shiella sa nakatayong si elise sa kanilang harapan. "Lagooottt nahuli ako." pang aasar na parang bata ni elise kay shiella kaya't naasar ng tuluyan si shiella. "Ikaw!" naiinis na sabi ni shiella at hinampas ang kanyang dalawang kamay sa lamesa at mabilis itong tumayo sa kanyang kinauupuan at inis na humarap sa kanyang boyfeiend na tahimik lang nakikinig sa kanilang bangayan. "Lets go na matteo aalis kana tommorow kaya ayaw ko masayang ang oras natin dito." mataray na paanyaya ni shiella sa kanyang boyfriend kaya tumaya na si matteo sa kanyang kinauupuan at lumapit kay shiella. "Saan ka pupunta." takang tanong ni elise sa kanyang kababata. "Ano ah, pupunta lang ako sa." naudlot ang sasabihin ni matteo ng biglang takpan ni shiella ang bibig nito gamit ang palad. "No! Huwag mong sabihin sa kanya para ako lang ang may alam, Lets go." maarteng pagkasabi ni shiella sa kanyang boyfriend at mabilis niyang hinila palabas si matteo ngunit bigla silang huminto ng mapansin ni shiella ang kasuotan ng kanyang boyfriend. "Wait! diba I told you to wear something red kapag white or beige ang suot mo, summer jingle bell concept dapat yan ee." mataray na pahayag ni shiella habang nakatingin sa kasuotan ng kanyang boyfriend. "Ang shoes ko oh, Red." mahinahon na paliwanag ni matteo at itinaas pa ng kaunti ang kantang kanang paa para ipakita ang kulay ng kanyang sapatos na suot at matamis na ngumiti sa kanyang girlfriend. "That's not red naman yan ee, its dark red, nakaka inis ka, Lets go na nga." mataray na pagkasabi ni shiella at sabay na humawak sa braso ni matteo at hinila na ito para lumabas ng coffee shop. "Sorry sa istorbo ha." hingin paumanhin ni matteo kay elise na tahimik na nakikinig sa bangayan ng magkasintahan. "Wala naman silang costumers ee." sabat naman ni shiella sa sinabi ng kanyang boyfriend. "Text tayo mamaya." habol pang pagkasabi ni matteo sa kanyang kababata. "Don't you dare!" may pagbabantang pagkasabi ni shiella sa kanyang boyfriend at tuluyan na silang naka labas ng coffee shop. "Haaayyy naku spoiled brat." ang nasabi nalang ni elise at napa buntung hininga siya habang sinusundan niya ng tingin ang magkasintahan na papalayo. Natapos ang trabaho ni elise sa coffee shop at mag isa itong naglalakad sa madilim na daan na madalas niyang dinadaan pauwi habang may kausap ito sa kanyang cellphone. "Sigurado akong mauuwi lang sa hiwalayan ang dalawang iyon, kahit ako pinagseselosan, insecure no? Naiinis ako sa kanya kapag nakikita ko siya paiba iba ang suot araw araw at kapag sumasakay siya sa malaki niyang kotse kapag makapag busina para siya lang ang tao sa paligid." ang mahabaang kwento nito sa kanyang ate habang nirerecord niya at pinapadala sa voice mail ng kanyang ate na nasa amerika Sa kabilang linya habang nakaplay ang mga sinasabi ni elise bangayan lang ang nangyayari habang patuloy sa pagkukwento si elise at nasa isang sulok lamang ang telepono ng kanyang ate. "What you care what i do in my house!" sigaw ng baritonong lalaking amerikano na kinakasama ng kanyang ate na si Eliza. "didn't i tell you allready this is why you are trash!" matapang at matigas na pagkasabi ni Eliza sa kanyang kinakasama. Isang napaka lakas na sampal ang natanggap ni eliza at napaupo ito sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya mula sa kanyang kinakasama kaya't napa sigaw ito sa sakit na naramdaman at mabilis niyang sinapo ang kanyang kaliwang pisngi na nasampal. "I want you out in my house!" galit na galit na sigaw ng lalaki at umalis na ito sa harapan niya at naiwan na humahagulgol na sa iyak si eliza sa kanyang sitwasyon at tumingin nalang ito sa nagsasalita sa kanyang telepono na ang kanyang nakakabatang kapatid at napasabunot nalang ito sa kanyang buhok. "Hello ate chinecheck mo pa ba ang voice mail mo? Sana tumawag ka kahit na busy ka, kamusta ang pag aaral mo diyan? Naiinggit ako sayo ate diyan ka nag aaral sa amerika, O sige Sana tumawag ka namimiss na kita." ang sunod sunod na pagkukwento ni elise sa kanyang ate at pinatay na nito ang kanyang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD