France Jaime Tejada POV Pitong blocks away lang mula sa Gate 1 ang bahay namin. Kaya nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ko. “Tara.” Matipid kong paanyaya sa kanya. Ito pala ang kauna unahang pagkakataon na mag-uuwi ako ng babae sa bahay. Baka kung ano na naman ang isipin ni Mama. Sana naman ay wala siya ngayon. “Magandang gabi, Sir France. Buti na lang nandito ka n—” Pagbati ni Manang Adeng sa akin ngunit bigla itong napatigil ng makita niya si Christine sa likuran ko. “Ah, Manang, si Christine nga pala. Kaklase ko. Diba sabi ko naman sayo gagawa lang ako ng assignment eh.” Pagpapakilala ko kay Christine at sabay kindat kay Manang. Sobrang lapad ng ngiti ni Manang Adeng at patingin tingin ng may malisya sa akin. Patay malisya naman ako sa kanya kasi wala naman talagang kahulug