France Christine Mondragon POV I’m still wondering kung ano kaya ang bumabahala kay Aaron. Hindi kaya yun tungkol sa pagtatapat na ginawa ko? OMG nooooo! Hindi pwedeng malaman ni Kuya Matt yung ginawa ko at mga sinabi ko kay Aaron dahil pinagalitan ako nun, worse baka pagtawanan niya din ako. I hate that feeling na parang binabale wala nila ang nararamdaman ko. Yung parang hindi legitimate yung nararamdaman ko kasi bata lang ako sa pananaw nila. “Aray ko!” bigla akong bumangga sa matigas na likod ng isang matangkad na lalaki. May nabangga tuloy akong tao habang naglalakad papuntang psychology class namin dahil sa sobrang pag-aalala ko. “Whoah, watch your step little lady,” aniya ng nabangga ko. “Sorry, sorry..hindi ko po sinasadya,” paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko ang ulo sa h