CHAPTER 34 “SIGURADO ka ba na ayaw mong ipahid ito sa katawan mo?” tanong ni Jiyeon kay Sabir nang tumanggi itong ipahid ang sa katawan niya. Umiling si Sabir at nilayo ang tingin sa kanila. Hindi pa rin kasi ito sang-ayon sa sinasabi ng matanda sa kanila. “Kung gano’n, h’wag ka nang sumama sa amin,” wika ni Nikolas sa kaniya nanlaki ang mata ni Sabir. “Ano? Bakit naman hindi?” gulat na tanong niya dito kay Nikolas. “Ipapahamak mo lang kami. There’s no use kung hindi ka magpapahid dahil malalaman ng mga halimaw na nando’n ka’t kasama namin,” tugon na sabi ni Nikolas sa kaniya. Huminga nang malalim si Sabir nang matantuan niyang tama ang sinasabi ni Nikolas sa kaniya. Agad na kumuha siya ng langis sa garapon na hawak ni Jiyeon saka niya pinahid ito sa katawan niya. “Alangan naman ma