PINAHID ni Heron ang dugo na nasa pisngi niya pagkuwan ay tiningnan niya nang masama si Hades na nakangiti sa kaniya. “Maraming salamat sa tiwala mo sa akin, Jiyeon dahil pinapalakas mo ang loob ko. Hindi ako puwedeng magpatalo sa kaniya at di ko hahayaang masakop niya tayo kaya lalaban pa ako.” Humarap si Heron dito kay Jiyeon saka siya muling nagsalita. “Sasamahan mo ba akong kalabanin siya, Jiyeon?” tanong ni Heron dito kaya binuklat niya ang kaniyang palad sa harap nito. Ngumiti si Jiyeon saka tumango pagkuwan ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Heron. “Handa akong kalabanin siya dahil sa taglay kong kapangyarihan na pinagkaloob mo sa akin, Heron,” ngiting tugon na wika ni Jiyeon dito saka sabay nilang binitawan ang kanilang mga kamay pagkuwan ay kapuwa silang humarap kay Ha