CHAPTER 28 “MAG-IINGAT KAYO,” wika ni Xavier nang paalis na sila. Ngumiti si Heron dito saka siya nagsalita. “Magpagaling ka dito, Xavier.” “Tama si Heron. Saka bantayan mo na rin si Abby kung may oras ka sa kaniya,” ani Nikolas dito kaya tumango si Xavier dito. “Halina kayo’t naghihintay na ang truck,” wika ni Captain Gael. Naka-suot sila ng protective gear at may dala silang armas nang pumasok sila sa unang truck kung saan nado’n sa loob sina Alexa at Wayden. “Are you guys ready?” tanong ni Alexa sa kanila na nakatingin lamang kay Heron kaya sumagot si Miya. “Handa na kami, Alexa,” aniya na may halong sarkastikong tono. Binaling ni Alexa ang tingin niya dito saka siya ngumiti. “I can see that you’re ready, Miya. That’s great! Let’s go,” pag-utos ni Alexa sa driver ng unang truc