CHAPTER 57 PAANO nga ba malalabas ni Heron ang tunay niyang lakas? Hindi pa ba sapat ang pagsanib nila ni Jiyeon? Napaisip nang malalim si Heron ngunit wala siyang masumpungang sagot. “Ramdam ko ang lakas ng kapangyarihan ko kapag nagsanib puwersa tayo pero hindi ko maikaila sa sarili ko na kulang pa. Kulang pa ang lakas na inaasahan ko. Hindi ko alam kung paano ko matatamo ‘yon,” wika ni Heron kay Jiyeon. Tinaas nang bahagya ni Heron ang dalawa niyang pagkuwan ay pinagmasdan ‘yon. “Ang sabi nila, ako raw ang pinakamalakas na nilalang sa buong planeta pero hanggang ngayon isa na lamang itong hiwaga dahil hindi natin alam kung papaano ‘yon matutuklasan.” “Huminahon ka lang, Heron. Baka di na magtatagal, matutuklasan na natin ang kapangyarihan na ‘yon basta’t magtiwala ka lang sa sari