Chapter 5

2520 Words
CHAPTER 5 MASAYANG pinagdiriwang ng Formula Solutions nang matagumpay na nakakuha ng mga bagong investors. Malakas na tugtog ang narinig ni Jiyeon at bumungad sa kaniya ang mga bisita at ibang empleyadong dumalo sa Thanksgiving Event. Ngiting lumapit si Ricardo kay Jiyeon at nakipagkamayan ito. “Congratulations, Mr. Jiyeon! I didn’t expect na makakabawi na tayo sa pagkalugi ng kompanya. Hindi nga ako nagsisi na ikaw ang nilapitan ko.” “Wala ‘yon, Mr. Ricardo. Ang importante ngayon ay unti-unti nang umaangat muli ang Formula Solutions,” ngiting tugon niya dito saka ininom ang wine. “Nga pala! May regalo akong ibibigay sa’yo. Alam ko kasi hindi pa kasya ang condo na binigay ko sa’yo. And I know you deserve this gift,” anito nang ilabas ang susi ng Mercedes Benz. Nanlaki ang mata ni Jiyeon nang makita niya ang susi ng sasakyan. “Wow! This is too much, Mr. Ricardo!” pagtanggi niya dito ngunit pilit na nilagay ni Mr. Ricardo sa palad nito ang susi. “No. Actually, I bought this car last year. So, I wanted to give you this para hindi ka na mag-commute. Ayokong pati transportation ay magiging problema mo rin. You need to focus on our company, lalo na ngayon na marami tayong upcoming projects to work on.” Napabuga ng hangin si Jiyeon na may halong ngiti dahil hindi siya makapaniwalang binigyan siya ng ganito kagarang sasakyan. Matagal-tagal na rin ang huli niyang sasakyan no’ng Business Counselor pa siya noon. Binenta niya kasi ‘yon simula no’ng ma-ospital tatay niya para may ipandagdag pambayad ng bills. “Thank you so much, Mr. Ricardo. I am so grateful lahat ng mga binibigay niyo sa akin.” “No. I should be the one to say thank you. Kung hindi dahil sa’yo, wala kaming investors ngayon at tuluyan nang magsasara ang kompanya. Well, I need to go back to my wife. Ang hilig kasi ‘yon sa wine baka malasing,” natatawang wika ni Ricardo dito kaya natawa na rin si Jiyeon at tumango. Huminto saglit si Mr. Ricardo ay muli itong hinarap si Jiyeon. “And also, the car parked outside. Pindutin mo na lang yung key para marinig mo,” masayang wika niya dito bago umalis. “Salamat po, Mr. Ricardo!” Pagkaalis ni Mr. Ricardo ay biglang lumitaw sa harap ni Jiyeon si Heron kaya nagulat ito nang magtama ang mga mata nila sa isa’t isa. “Holy sh*t!” gulat na wika niya kaya napatikom siya ng bibig nang pagtinginan siya ng ilang mga tao malapit sa kaniya. “I...I’m sorry,” aniya saka nahihiyang umalis palabas ng event. Naramdaman ni Jiyeon na sinusundan siya nito kaya hinarap niya si Heron. “Hindi ba’t sabi ko na sa bahay ka lang hangga’t wala pa ako?” inis na wika niya kay Heron. “Paumanhin, Jiyeon. Nakakabagot kasi manirahan mag-isa na walang kasama kaya pumunta ako dito.” Huminga nang malalim si Jiyeon pagdaka’y biglang kumulo ang tyan niya. Naalala niya bigla na hindi pa siya nakakain ng lunch at dinner. “Haaay. Nagugutom na ako. Kumain muna tayo.” Nanlaki ang mata ni Heron sa narinig niya dahil hindi pa niya natitikman ang iba’t ibang klaseng pagkain dito sa Earth. Tahimik na sinundan ni Heron si Jiyeon na naglalakad papuntang parking lot. Napansin niya na panay pindot nang pindot si Jiyeon sa susi nito. “Anong ginagawa mo?” tanong niya kay Jiyeon. “Hinahanap ko ang sasakyan. Kailangan kasing pindutin ito para tumuno,” tugon ni Jiyeon nang ipakita niya kay Heron ang susi ng Mercedes Benz. Sa lawak ng parking lot ay mukhang aabutin ata sila ng siyam-siyam mahanap lang ang sasakyan. Napangiti si Heron ay ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang mahanap ‘yon. Di kalaunan ay lumitaw sa itaas ang sasakyan pagkuwan ay tumunog ito. Laking gulat ng mga tao sa parking lot nang makita na may lumilitaw na sasakyan. “Not again,” kalmadong wika ni Jiyeon sa sarili. Ilang sandali pa ay nilagay ni Heron ang sasakyan malapit sa kanila. “Right. Hindi na ako mahihirapan ilabas ang sasakyan sa parkingan.” “Maraming salamat, Jiyeon. Alam mong malaki ang tulong ang naibigay ko sa’yo,” ngiting wika ni Heron samantalang pinipigilan ni Jiyeon na h’wag magalit sa mga pinangagagawa nito. Kalmadong pumasok ng sasakyan si Jiyeon samantalang dinaanan lang ni Heron ang pinto ng sasakyan pagkuwan ay umupo ito katabi niya. “Bakit ayaw mong mag-anyong tao? Para naman hindi ako pagtawanan ng mga tao na may kausap akong isang kaluluwa?” “Ahhh. Maari kong gawin ‘yon. Kaso mukhang hindi ata ako magugustuhan ng mga tao dahil sa itsura ko.” Natawa si Jiyeon nang matantuan niyang malayo sa hitsura niya ang anyo ni Heron. Mahaba ang buhok at may balbas pa sa mukha. Hindi naman siya nabahala dahil magagawan pa ‘yon ng paraan para maging magkamukha sila. “Ako bahala sa’yo. We need makeover.” Imbis na pupunta sila restaurant ay nag-anyong tao si Heron at nagpunta sila sa Man Parlor Barbershop. “Ay! Good evening po, Mr. Jiyeon!” excited na sigaw ng bakla nang muli itong makita si Jiyeon. Ito kasi ang palaging naggugupit sa kaniya no’ng nasa Manila siya. “You still working here, Amor?” Kilig na ngumiti si Amor saka tumango ito. “Ba’t ang tagal mo naman bumisita? At sino siya?” anito nang ituro si Heron. “Ahhh. K...kapatid ko pala. Long-lost brother. Ehe,” naiilang na pagpapakilala ni Jiyeon dito kaya napataas ng kilay si Heron nang marinig niya ‘yon. “K...kapatid?” pabulong na tanong ni Heron sa kaniya kaya naman siniko ni Jiyeon ito pagkuwan ay nagsalita siya. “Makisabay ka na lang sakin. Total, magkamukha naman tayo,” mahinahong tugon ni Jiyeon dito. Biglang sumingit si Amor sa usapan ng dalawa at nagtaka kung bakit ngayon lang pinakilala sa kaniya ang sinasabing kapatid ni Jiyeon. “Uhm. Mukhang wala ata akong maalala na may kapatid ka, Jiyeon? Niloloko mo ba ako? Sa mukhang iyan?” taas kilay na pabiro ni Amor dito nang tingnan niya nang mainam si Heron. Dahil sa pang-iinsultong narinig ni Heron mula kay Amor ay biglang namatay ang ilaw at power sa loob ng Man Parlor Barbershop. Napasigaw si Amor sa takot nang matantuang patay-sindi ang mga ilaw at may sparks siyang nakikita malapit sa cashier area. Dagli itong nagpunta sa cashier at pinatay ang computer at mga nakasaksak. Nanlaki ang mata ni Jiyeon at bigla niyang nilapitan si Heron upang pakalmahin ito. “H...Heron? Please kumalma ka muna,” mahinahong pakiusap ni Jiyeon dito ngunit mas lalong lumalakas ang kapangyarihan niya hanggang sa unti-unting nagpapakita ang tanda sa noo niya. “Isa akong Panginoon, Jiyeon at ayokong makarinig ng pang-iinsulto mula sa mga tao dito sa mundo mo,” galit tonong tugon ni Heron dito. Mabilis na hinawakan ni Jiyeon ang magkabilang braso ni Heron upang pigilan ito. “Nagbibiro lang si Amor. Hindi mo pa kilala ang mga tao dito kaya hindi mo kami maiintindihan, Heron. Kaya kumalma ka muna at isipin mong ikaw ang magtatanggol sa Planet Earth mula kay Hades. Hindi ‘yong ikaw ang papatay ng tao.” “At bakit kailangan ko magpaputol ng buhok? Maayos naman ang hitsura ko?” “Maayos sa mundo niyo pero sa mundo ko, hindi. Kailangan mong magbago at iangkop ang sarili mo dito sa mundo kung gusto mong makiayon sa amin.” Nang mapagtanto ni Heron ang sinabi nito ay hininto niya ang kapangyarihan niya at bumalik na sa normal ang lahat. “Jusko! Kinabahan naman ako, akala ko may nagmumulto sa atin o may nang-pa-rank!” sigaw ni Amor nang muling lumapit ito kina Jiyeon. “So, ikaw ang kapatid ni Jiyeon? Okay. Anong haircut style ba gusto mo?” tanong ni Amor kay Heron pagkuwan ay sumingit si Jiyeon. “Uhm. Yung katulad ko na lang?” Marahang tumawa si Amor saka mahinay na pumalakpak nang dalawang beses. “I’ll see what I can do. Since, mahaba ang buhok ng kapatid mo, medyo matatagal tayo.” “O...okay lang. Uhm. Puwede bang paki-shave na lang din ang beard niya? I want him to look clean as possible.” “No problem, Mr. Jiyeon.” Nilipat ni Amor ang tingin niya kay Heron saka ngumiti. “This way sir?”aniya nang alalayan niya si Heron. Nakatingin si Heron kay Jiyeon habang naglalakad ito sa puwesto niya. Sinenyasan pa ni Jiyeon si Heron na tila baga pinapalakas ang loob nito. “Maybe this is his first haircut?” natatawang wika ni Jiyeon sa isip. Ilang sandali pa ay biglang kumulo ang tyan niya at nakaramdam muli siya ng gutom. Nagpasya siyang lumabas ng barbershop upang maghanap ng makakain. Bumili siya ng tinapay at tubig pantawid gutom. Nang matapos niyang kainin ‘yon ay bumalik siya sa loob. “Twenty minutes has passed pero di pa tapos,” aniya sa sarili kaya umupo siya sa sofa at umidlip dala na siguro sa pagod. Matapos ang halos isang oras na paghihintay ni Jiyeon ay kinalabit siya ni Heron kaya napatindig siya sa gulat nang makita ang mukha nito. “Seriously?!” laking gulat niyang wika sa sarili. Nagtaka si Jiyeon dahil hindi niya inakalang totoong kawangis niya ito. Di niya maiwasang pagmasdan nang mabuti ito mula ulo hanggang paa. “Kambal ba kayo, Mr. Jiyeon? Kasi parang clone, eh,” ani Amor dahil hindi rin ito makapaniwala sa resulta. “P...Parang kambal ko na nga," tulalang tugon niya dito habang nakatutok sa mukha ni Heron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD