Chapter 3

1493 Words
Chapter 3 Napaupo nalang si Maria Angela sa sofa ng kwarto ni Luke. Wala naman kasi siyang nakikitang dumi sa kwarto nito. Infact napakalinis nga ng room nito! Limang minuto palang siya sa loob ng kwarto ni Luke. Hindi niya alam kung anong lilinisin niya dahil lahat naman ng gamit nito ay malinis. Nasa ayos rin ang pwesto ng bawat gamit nito. Higit sa lahat napakabango pa! Hmm amoy mayaman! Nang mapansin niyang kulay puti ang sofa na inuupuan niya bigla siyang napatayo at pinagpag niya ng husto ang sofa. Natakot kasi siya baka marumihan niya pa ang sofa ng kanyang amo. "Grabe talaga yung mayayaman. Ipapalinis pa eh malinis pa ata sakin to" Sambit niya habang pinapagpag ang kulay puting sofa. "What are you doing?" Automatiko siyang napalingon sa kanyang likod ng magsalita si Luke Anderson doon! "Ser pogi! B-Baka ho kasi narumihan ko." Tinignan lang siya nito. Mukhang hindi na ito natutuwa sakanya kaya napatabinge tuloy ang ngiti niya "W-Wala naman ho pala lilinisin dito sa kwarto mo Ser pogi--" "I want you to still clean this room even if its clean." Masungit nitong utos sakanya Napalunok tuloy siya. Naku po suplado pala si Ser Pogi! "S-Sige ho Ser pogi!" "Don't call me like that. It annoys me" kunot nuo nitong pagalit sakanya Napanguso tuloy siya na parang nasaktan sa sinabi nito. "Ser pogi naman. Ang sungit" "I respect your father. Mabait si Mang jose. So please don't try to humilate me again infront of other people" Sunod sunod na paglunok ang kanyang ginawa dahil sa sinabi nito. "N-Nako Ser pogi di ko naman ho sinasadya. Napogi-an lang naman ho ako sayo. Masama ho ba iyon?" Nanunubig tuloy ang kanyang mata dahil napakasungit nito Napansin naman nitong naiiyak siya "I-I just don't like the way you talk to me. Were not friends" "A-Alam ko naman ho yun Ser pogi." Napayuko tuloy siya. Pakiramdam niya sinaktan nito ang munting puso niya. Kakakilala niya palang dito kaninang umaga kaya malay ba niyang masungit ito? "I'm sorry. I think my words are too harsh" Bigla siyang napatingin dito. Napansin niyang naawa ito sakanya. Ngunit sapat na iyon para mapawi lahat ng lungkot sa puso niya. Tumalikod na ito at pumasok sa loob ng mismong bedroom nito. Unti-unti siyang napangiti "Ayos lang Ser pogi." Sambit niya kahit alam niyang hindi naman siya nito naririnig. Pinagpatuloy nalang niya ang pag lilinis sa kwarto nito. Kunwari na lang niyang pinupunasan ang mga gamit sa kwarto nito. Ingat na ingat siya dahil baka makabasag pa siya. Maya maya pa lumabas ito ng bedroom nito, Nakapagpalit na ito ng pambahay na damit. Tinignan lang siya nito. Nginitian niya ito ng isang simpleng ngiti. Nag iwas agad ito ng tingin sakanya at napakunot ng kaunti ang nuo nito. Naku tatantanan ko na nga muna si Ser Pogi baka mawalan pa ako ng trabaho Tahimik lang itong nanuod ng movie sa flat screen tv nito. Habang siya naman ay nag wawalis kunwari kahit wala naman siyang winawalis. Pasulyap sulyap lang siya rito. Mabilis lumipas ang isang linggo. Halos araw araw nililinis ni Maria Angela ang kwarto ni Luke dahil siya na talaga ang itinoka ni Manang Celia para maglinis roon araw araw. Sa araw araw na paglilinis niya sa kwarto nito hindi parin siya nito pinapansin at kadalasan sinusungitan parin siya nito. Gusto na nga niyang magtampo dahil mabait naman ito sa ibang katulong ngunit sakanya lang ito masungit. Kakatapos niya lang mag linis sa kwarto ni Luke. Kasalukuyan itong busy sa pag cecellphone nito kaya nilapitan niya ito upang mag paalam "Ser pogi tapos na ho ako maglinis" "Thanks" Sagot nito ni hindi man lang siya sinulyapan. Katulad ng madalas nitong gawin Napanguso nalang siya at tahimik na lumabas sa kwarto nito. Dumiretso na siya sa kusina dahil kailangan na niyang tumulong sa pag hahanda ng hapunan para sa mga amo nila "Oh Maria parang binagsakan ka ng langit at lupa sa haba ng nguso mo ha?" Puna ni Berna sakanya ng makapasok siya sa kusina "Dedma parin kasi si Ser pogi. Ang sungit sungit" Natawa naman si Berna habang hinahalo nito ang niluluto nitong chicken curry "Hay nako Maria, Sayo lang masungit yan si Ser Luke. Baka type ka?" Lalo naman humaba ang nguso niya "Baka type tangalin sa trabaho" Biglang hirit naman ng isa pang katulong na nagluluto rin. Nagtawanan ang mga ito kaya napangit rin siya Siguro nga! "Joke lang Maria! Baka nga may gusto sayo yan si Ser luke. Napansin ko napapatingin sayo eh" "Hmp kailan?" Tanong niya habang tinutulungan na niya ang isa pang katulong sa pag hiwa ng sibuyas "Di ko na maalala" Sumimangot lang siya "Minsan nalang nga ako magka-crush olats pa" Nagtawanan ang mga ito "Langit siya lupa ka kaya wag kana umasa Maria" Tukso pa sakanya ng isa pang katulong "Bakit kasi sa dami ng magkakapatid si Ser Luke pa nagustuhan mo eh sinusungitan ka naman. Bakit si Ser Kenjie ayaw mo? Mabait yun sayo ha?" Tanong naman sakanya ng isa pang katulong na nag piprito ng isda "Eh si Ser pogi lang gusto ko eh." "Pero Maria kung ako sayo titigilan ko na yang pag hahangad mo kay Ser Luke. Suntok sa buwan na papatol iyon sayo. Ex girlfriend niya si Cyntia Lopez yung sikat na artista" "Alam ko Ate Berna. Alam ko naman wala akong pag asa kay Ser Pogi pero sana kahit ngiti lang siya sakin pag may time siya. Kaso kahit sulyap nga ang damot eh" "Nakakapagtaka nga yan si Ser Luke kasi mabait naman yan eh sayo lang nagsungit." "Baka crush ka? Ayiee ngingiti na yan" Kahit gusto niyang ngumiti hindi niya magawa dahil alam niyang malabo pa sa mata ng lolo niya na mangyari iyon. Lalo na ngayon dedma lang nito ang beauty niya. "Mga neng bilisan niyo na at darating sila Ser Jerome at Maam Abby ngayon. Nandito na rin ang ibang anak nila kaya damihan niyo ang mga ulam" Natigil ang pag uusap nila ng pumasok si Manang Celia sa loob ng kusina "Opo Manang" Sabay sabay nilang sagot Mula pa kahapon pinaghahandaan na talaga nila ang pag dating ng mga Hoffman. Kadalasan kasi sila Ser Kenji, Luke, Kenzo at Ram lang ang naroon sa mansion. Ang ibang kapatid kasi ng mga ito may sarili ng pamilya at ang iba naman may sariling mga condo. Samantalang si Mr. at Mrs Hoffman naman ay palaging nasa ibat ibang bansa upang palaguin pa ang business ng mga ito kasama ang pinakabunsong anak na si Michelle Hoffman Nang matapos sila sa pagluluto sabay sabay nilang sinalubong ang mga hoffman. Tuwang tuwa naman ang mga itong makita silang lahat na para bang kamag anak ang turing sakanila Napatingin si Mrs.Hoffman sakanya at maganda ang pagkakangiti nito. Kasalukuyan kumakain ang mga ito sa napakalaking mesa samantalang pinag sisilbihan nila ito. Hi Future mom! Charot! Ngumiti rin siya dito ng matamis "Hello hija ang ganda mo naman. Ikaw ba yung anak ni Mang Jose?" Napatingin muna siya kay Luke tahimik lang itong kumakain sa malapit sa upuan ni Mrs.Hoffman habang maingay naman nag uusap ang ibang mga kapatid nito kasama kasi ng mga ito ang mga asawa ng mga ito. Magaganda at simpleng mga babae ang mga napangasawa ng mga ito. "Opo Madam." Sagot niya "Aruy wag naman Madam ang itawag mo sakin nakakatanda anak" Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito. Tinawag ba siya nitong anak? Omgeeee "Sorry po Maam Abby" "Tita Abby nalang hija" Pwede mommy? Charot! Ngumiti siya ng matamis "Okay po tita Abby" "hija gusto mo bang mag aral?" Tanong naman ni Mr.Hoffman. Iyon talaga ang inaabangan niyang alok ng mga ito! Noon pa kasi nagpapaaral ng mga katulong ang mga ito. Yung iba nakatapos ng pag aaral at nakapag abroad pa! Yung iba naman ayaw na talaga mag aral dahil may edad na at masaya na sa pagsisilbi sa mga Hoffman "Opo!" Mabilis na sagot niya Sabay napangiti ang mga ito "Osige hija ipapaayos na namin scholarship mo. Saan mo ba gusto mag aral?" Tumingin muna siya kay Luke as usual busy ito sa cellphone nito "Sa school po ni Ser Luke pwede?" Lakas loob na tanong niya Bigla naman naubo si Luke dahil sa kanyang sinabi. Agad itong uminom ng tubig "Ayos ka lang Luke?" Tanong ni Kenjie dito Tinignan siya nito ng masama na para bang hindi nito gusto ang idea na mag aral sila sa iisang campus! Napatabinge tuloy ang kanyang ngiti "K-Kung pwede lang naman ho" Natawa ng husto si mrs.Hoffman sa kanyang sinabi "Pwedeng pwede kahit saan hija" "Sakto kakasimula palang ng pasukan pwede ka pang makahabol hija" "Anong course ang gusto mo?" "Ano ho bang course ni Ser Luke?" Natawa ng husto si Mrs.Hoffman sa lakas ng loob niyang itanong iyon "Luke anak ano bang course mo?" Sumimangot lang ito at hindi sumagot "business managemet ang course ni Luke anak" Natatawa paring sagot sakanya ni Mrs.Hoffman mukhang naaaliw ito sakanya "Ayun ho ang gusto kong course kung ganoon para classmate ko ho siya" "3rd year college na si Luke. Hindi kayo pwedeng maging magkaklase anak" "A-Ay ganon po ba? Osige po ayos lang schoolmate naman kami" Natawa na talaga si Mrs Hoffman sa lakas ng kanyang loob Nakasimangot naman si Luke habang nakatutok ito sa cellphone nito "Iniiwasan pero kusang lumalapit" Tukso naman ni Kenjie sa tabi ng kapatid nito na mas lalo pang kina-kunot ng nuo ni Luke
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD