Chapter 13 "Maria nandiyan na si Ser Luke!" Bulong ni Berna sakanya habang nag lilinis sila ng hagdanan ng mansyon Hindi niya natawagan si Luke kanina dahil out of coverage area ito. Hindi niya ito macontact. Agad niyang pinunasan ang kanyang kamay sa mismong apron na suot suot niya. "Teka uunahan ko na si Cassy" Lakad takbo ang kanyang ginawa upang abutan ito ngunit nauna na itong naka-akyat sa kabilang elevator. "Hay naku ang bilis naman!" Paulit ulit niyang pinindot ang button sa gilid ng elevator upang makasakay agad siya doon. Mabuti nalang at saktong pababa na rin ang isang elevator kaya naman nakasakay agad siya doon. Habang nasa elevator siya inayos niya ang kanyang buhok. Medyo pagod na siyang tignan dahil dalawang oras na silang nag lilinis sa buong mansyon simula n