Chapter 11 "Matutulog kana ba?" Napakagat si Maria sa kanyang yakap yakap na unan dahil sa lambing ng boses ni Ser Luke sa kabilang linya. Kanina niya pa ito kausap at mainit init na rin ang kanyang cellphone. Marahil mayamaya malolowbat na rin siya "H-Hindi pa naman ako inaantok Ser. Ikaw ba?" "Hindi pa. Kausap pa kita eh" Napapikit pa siya sa sobrang kilig. Napapapadyak pa siya habang nakahiga siya sa kanyang kama "A-Asus baka may iba ka pang kakausapin bukod sakin." "I don't want to talk to other girls. You got all my attention" Napapahampas siya sa kanyang kama dahil hindi niya mapigilang kiligin "N-Naku bolero ka pala Ser pogi" "Hmm sayo lang" Napahagikgik siya sa sobrang kilig. Lalo nat seryoso ang pagkakasabi nito "A-Ano nga pala yung pinag-usapan niyo ni ate Berna kan