Kaming dalawa ni Rick ay agad ipinasok ng Operating Room at doon ay agad kaming inihanda para sa gagawing operasyon. Magkatabi kami ng kama. Hawak ko ang kanyang kamay habang ang mga Doctor at Nurse ay abala sa paghahanda ng mga kagamitan at kung ano-anong bagay ang ikinabit sa aming katawan. "Relax lang ang katawan, ha," sabi ng Doctor habang ang ibang Nurse ay inaalalayan akong dumapa. Napa-igik ako sa sakit nang maramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa aking likuran. Ilang karayom pa ang aking naramdamang itinusok nila bago sila huminto. Muli nilang inayos ang aking pagkakahiga. Wala na akong kahit anong saplot sa aking katawan. Tanging kulay berdeng tela ang itinakip nila sa akin. Ilang sandali lang ay unti-unti nang nagmanhid ang aking pakiramdam kasabay nang pamumungay ng aking