"Hmmmnn.." ungol niya habang nakatitig sa akin. Tinanggal ko muna ang panyong nakatali sa bibig niya. "May sinasabi ka?" "Ikaw naman," medyo humihingal pa niyang sabi at nakangiti pa sa akin. Tumitig muna ako sa kanya ng ilang segundo bago ngumisi. "No. Isang tao lang ang p'wedeng gumalaw sa katawan ko." Doon nawala ang kanyang magandang ngiti. Akma na sana siyang sisigaw kaya mabilis kong naibalik ang panyo sa kanyang bibig at umalis sa ibabaw niya. "Hmmmmnn!" ungol niya at pagpupumiglas niya mula sa pagkakaposas niya. Hindi ko siya pinansin at nangalkal pa ako sa mga drawer na maaari kong magamit hanggang sa may makita akong baril. Nakita ko pa itong puno ng bala. Napangisi na lamang ako. "Good," bulong ko. Humarap akong muli kay Estella. "Ate?! Ate!" Malalakas na katok sa pint