Dahil sa narinig naming usapan ay mas pinakiramdaman ko ang paligid sa buong magdamag. Binalikan na ni Liam si Nikay sa venue at ako ay nanatiling nagmasid sa paligid. "Hey." Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Erhwin sa aking likuran. Tsk. Bwisit siya! Hindi ko siya pinansin. "Look. I'm sorry. I didn't mean to do that. N-nabigla lang ako. I-ikaw kasi eh." Aba't, ako pa talaga ang sinisi? Gago din ito eh. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi pa rin ako umimik. "Haaayst. Sorry na, please. Hindi na mauulit, promise." Niyakap niya ako ng mahigpit at pumatong ang baba niya sa kanan kong balikat. Nanatili naman akong tahimik at hindi umaalis sa aking kinatatayuan. "Bati na tayo, please? Hindi ako sanay na nagagalit ka sa akin," bulong niya sa akin na ikinahinga ko ng malalim. "