PROLOGUE

1603 Words
Prologue: The Beginning CARINA'S P.O.V "Seryoso ba kayo? Itong babae na 'to, magiging asawa ko? Nahihibang na ba kayo mom, dad? Nakakalimutan n'yo na bang patay na ang asawa ko?!" sigaw ng anak ng mga kliyente ko na si Mr. Reeve Lucas. "Anak, pwede bang huminahon ka muna? Hindi naman namin sinasabing siya si Kara. Ang gusto lang naman namin ay tulungan ka. Nagkataon lang naman talagang naging kamukha niya si Kara pero 'di naman namin sinasabi na siya si Kara," paliwanag ng ina ni Mr. Reeve Lucas. Kaya naman napabuntong-hininga na lang ako habang nagtatalo silang magpamilya. Hindi ko rin naman kasi alam na ganito ang mangyayari kapag tinanggap ko ang trabahong ito sa poder nila. Paano nga ba nangyari lahat ng 'to? Well, nangyari lang naman ito matapos magpunta nila Mr. and Mrs. Sullivan sa WIFE CORPORATION kung saan ako kasalukuyang nagtatrabaho. Kilala ang WIFE CORPORATION bilang isang malaking kumpanya kung saan ang mga empleyado ay pinaparentahan sa mga kliyente. Nirerentahan kaming mga empleyado sa WIFE CORPORATION para maging contract wife ng kliyente. Isang taon lang ang kontratang binibigay sa bawat kliyente na pipili sa amin. At sa loob ng isang taon na iyon ay magkakaroon kami ng certification na siyang magpapatunay na sa taon na iyon ay asawa kami ng mga kliyente. At kapag nag-expired na ang kontrata ng mga kliyente namin ay mapapawalang bisa na ang marriage contract namin sa mga clients. Kaya naman kapag nirentahan ang mga empleyado ng WIFE CORP. ay malaya ang mga kliyenteng ituring kami na para talaga nilang asawa. Sila ang sasagot sa mga kakailanganin namin bilang asawa nila sa taon na iyon ng kontrata habang ang kumpanya naman ang magpapasahod sa aming mga empleyado. Pero kahit na maging asawa kami ng mga kliyente ay hindi ibig sabihin nun ay pwede na nilang gawin ang gusto nila sa amin. Hindi nila kami pwedeng pilitin na makipagtalik sa kanila hangga't hindi namin binibigyan ng permiso ang kliyente namin. Mahigpit kasing pinagbabawal sa WIFE CORP. ang pamimilit ng mga client sa employees sa gusto nilang gawin sa aming mga empleyado ng walang pahintulot namin dahil pwede silang kasuhan ng kumpanya. Kaya naman kailangan munang pumayag ng mga clients sa terms and conditions ng kontrata bago sila makakuha ng magiging contract wife nila. At dahil kakatapos lang ng kontrata ko sa last client ko ay isa ako sa mga naghihintay ng panibagong client at sakto naman na bagong punta lang sila Mr. at Mrs. Sullivan sa WIFE CORP. Sila mismo ang nakipag-usap kay Sir William—CEO ng WIFE CORPORATION. At hindi ko rin alam na sa mga oras na iyon ay isa ako sa mga pagpipilian nila para maging contract wife sa anak nilang si Reeve Lucas. "Please meet one of my employees that will serve you. Her name is Carina Devine," Sir William introduced me to the clients. Matapos niya akong tawagin at papasukin sa conference room ng mga client. "Carina? W-wait, hija... Don't you have a twin sister?" the client asked me. At hindi lang iyon, kumunot din ang noo ko dahil sa tanong niya. "Wala po. Mag-isa lang akong anak ng nanay at tatay ko. Namatay na po ang tatay ko bata pa lang ako at tanging ina ko na lang po ang natitirang buhay sa mga magulang ko," seryosong paliwanag ko naman sa kanila. Napansin ko namang nagkatinginan pa ang mag-asawa. At dahil dun kaya nagsimula na mangunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang sinasabi nila. "A-akala kasi namin may nawawala kang kapatid. Sa totoo lang kasi, kamukhang-kamukha mo 'yong namayapang asawa ng anak namin. Kaya ikaw rin ang gusto naming kunin dahil baka makatulong ka sa anak namin," seryosong sabi naman ng ginoo sa akin kaya naman natahimik lang ako. "Ganun po ba? Wala naman pong problema sa akin kung kukunin n'yo akong contract wife para sa anak n'yo. Ang kailangan lang naman po namin ay ang pagsang-ayon ng anak n'yo na maging asawa ko sa loob ng isang taon." magalang na paliwanag ko naman. "Huwag kang mag-alala hija, hindi naman namin hahayaan na may manakit sa 'yo sa mansyon. Handa kaming doblehin ang binabayad sa 'yo ni William para lang pumayag ka sa proposal namin," sabi naman ng ginang kaya naman agad akong napasulyap kay Sir William. Nakita ko namang napangiti sa akin ang matanda at saka ako tiningnan na parang sinasabi niya na nasa akin ang desisyon. Kaya naman ng maalala ko kung gaano kami kabaon sa utang dahil sa mga utang ni Tatay at dahil na rin sa pagsusugal niya ay wala akong ibang maisip kundi ang sumang-ayon na lang sa proposal nila. Kung hindi lang talaga ako sobrang nangangailangan sa pera ay tatanggihan ko ang alok nila dahil sigurado akong magiging gulo lang ang papasukin kong trabaho. Baka hindi tulad ng mga ex-client ko na mababait ang anak ng mag-asawang 'to. Baka mamaya ay pinaglihi rin sa regla ang anak nila since kakamatay lang din ng asawa nito at hindi ko rin alam kung magiging successful ba ang trabaho ko sa poder ng anak nila. "Mr. and Mrs. Sullivan, pwede pa naman pong i-cancel ang kontrata. Huwag n'yo na lang pong ipilit sa anak n'yo kung ayaw niya talaga na maging contract wife niya 'ko," paliwanag ko naman sa mga kliyente ko. Nakita ko naman kung paanong nag-panic ang mag-asawa habang ang anak naman nilang lalaki ay nananatiling naka poker face. "Hija, baka naman pwede nating pag-usapan 'to? We badly need your help for our son. I hope you can understand," my female client said. Napabuntong-hininga naman ako at saka napabaling sa anak nila. Nananatili itong hindi tumitingin sa akin kaya naman nakakaramdam na rin ako ng pagkainis. "Okay, ganito na lang po. Bibigyan ko po kayo ng isang linggong palugit. Papayag po ako sa alok n'yo sa akin na tumira sa bahay ng anak n'yo sa loob ng isang linggo at gagawin ko po ang duty ko bilang asawa niya. At kapag tumanggi pa rin po siya na maging asawa ako, ipapa-cancel ko na lang po ang kontrata natin at babalik na lang po ako sa company namin," mahinahong paliwanag ko para itago ang inis na nararamdaman ko. "Bakit hindi mo pa i-cancel ngayon? Sa tingin mo ba kailangan kita para maging asawa ko? I will never replace my wife with you!" Mr. Reeve Lucas yelled at me. Kaya naman naikuyom ko ang kamao ko saka ako napayuko para tanggalin ang pagkayamot sa mukha ko. Gag* pala 'tong lalaking 'to eh! Sino naman kayang may gustong maging asawa niya na dinaig pa ang babaeng nireregla?! Urrghhh! Kainis! Sarap sakalin! Nanatili akong sumisigaw sa loob-loob ko kaya naman huminga muna ako nang malalim bago siya tinapunan ng tingin. "Sir, kaya nga po ako nagbigay ng palugit sa parents n'yo. Isa pa ginagawa ko po ito dahil naaawa ako sa parents n'yo na nagmamakaawa sa aking tulungan kayo. Huwag kayo mag-alala, Sir. Isang linggo lang naman kayong magtitiis sa pagmumukha ko after nun kapag ayaw n'yo pa rin na maging contract wife n'yo ko maka-cancel po ang contract na in-avail ng parents n'yo," pilit din akong ngumiti sa kanya matapos kong sabihin iyon. Narinig ko namang pumalatak siya habang napapairap pa sa hangin. Aba! Attitude 'tong lalaki na 'to ah! Pasalamat talaga ang kumag na 'to at mayaman ang pamilya niya eh! Kung hindi lang din ako gipit hindi ako kakapit sa trabahong' to, tss! "Whatever! Did you say one week, right? Then wait one week if you want! Don't worry; I will never accept this preposterous!" he complained. Humanda ka sa akin sa loob ng isang linggo! Kukulitin kita hanggang sa mapapayag ka na maging asawa mo ako sa loob ng isang taon! Tingnan lang natin kung sinong susuko sa ating dalawa, hah! "Then it's settled ma'am, sir! Mamayang gabi po ang dating ko sa bahay ng anak n'yo. Pakibigay na lang po ang address para po maipalipat ko ang ibang gamit ko mamaya," nakangiting sabi ko naman sa magulang ng kumag. "Naku, maraming salamat, hija! Aasahan ka namin ah? Sana magkaayos din kayo ng anak namin," nakangiting sabi pa ng ginang sa akin na tinguan ko na lang. Matapos ang meeting namin ay nagpaalam naman ang mag-asawa at saka umalis sa coffee shop. At dahil nasa VIP seat kami ay nasa loob kami ng parang maliit na silid at walang ibang nakakarinig sa amin mula sa labas nun. Nang makita kong napatitig sa akin si Reeve Lucas ay inirapan ko siya saka ako tumayo. Papalabas na sana ako ng maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. "Hey you, b*tch! Did you just roll your eyes on me?!" he said in disbelief. I smirked at him when I faced him. "Yes! I did. You got a problem with that?" I bravely answered him. I heard him gasp when he heard my reply. So I forcefully pulled my wrist that he was holding before I left him. Akala niya naman hahayaan ko lang na sungit-sungitan niya ako? Oo, magiging asawa niya lang naman ako sa loob ng isang taon. At hindi ibig sabihin nun na kailangan kong magtiis sa ugali niya. Kung ayaw niya sa akin. Edi mas lalong ayaw ko sa kanya! Sino ba namang babae ang magtitiyagang patulan siya? Asawa niya? Siguro nabulag ang asawa niya kaya hindi makita ang kapangitan ng ugali niya. Hindi ako naging Wife Corp. Employee para lang kawawain niya. Marami na akong nakaharap na lalaking gaya niya at hindi ibig sabihin nun ay hindi ko siya kayang i-handle. Nang makalabas ako ng coffee shop nang tuluyan ay agad akong pumara ng taxi at saka bumyahe pabalik ng company. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD