Chapter 59: Answers CARINA'S P.O.V "Kara? A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko kaagad kay Kara. Nakita ko namang takang napatingin sa amin si Wesley kaya agad itong tumayo. "I gotta go now, Carina. You can talk to your friend here," Wesley said. Hindi naman ako nakasagot pa dahil pagkatapos ngumiti ni Wesley sa akin ay nagmadali na rin siyang umalis. Napakamot na lamang ako sa ulo ko saka ko binalingan si Kara na umupo sa harapan ko. "Actually, bumili lang ako ng maiinom dito at hindi ko naman inaasahan na makikita kita rito," nakangiting sabi ni Kara sa akin. Di ko tuloy mapigilang makaramdam ng inis sa kanya dahil sa pag-akto niya sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagpapanggap pa rin si Kara na mabait sa akin kahit na hindi na dapat kami nag-uusap. "Ganun? I me