Chapter 30: Resolve THIRD PERSON'S P.O.V Nang magising si Carina dahil sa sinag ng araw ay agad naman siyang napalingon sa kanyang tabi. Doon ay nakita ni Carina si Reeve na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Agad namang namula ang pisngi ni Carina ng ma-realize niyang wala siyang suot na kahit anong saplot maski ang lalaki sa tabi niya. At dahil dun sa na-realize ni Carina ay napagtanto niyang may nangyari sa kanila ni Reeve. Pinilit pang alalahanin ni Carina ang nangyari sa pagitan nila ni Reeve kagabi dahil nakalimutan iyon ni Carina dahil sa kanyang kalasingan. Nang unti-unting nanumbalik ang ala-ala ni Carina sa mga nangyari kagabi ay hindi niya napigilang mapangiti. Naisip din ni Carina na ayos lang na sumakit ang katawan niya dahil pinagbigyan naman ng binata ang gusto niya