Chapter 6: Topic CARINA'S P.O.V Nang matapos na ang lahat ng gagawin ko dahil nakaalis na si Reeve papasok sa trabaho niya ay agad naman akong naligo at nagbihis para pumunta sa WIFE CORP. office kung saan kami magkikita-kita magkakaibigan. Pumara lang ako ng taxi para mabilis ako makapunta doon at nang makarating ako sa tapat ng WIFE CORP. building ay agad akong pumasok sa loob pagkatapos kong bayaran ang taxi driver. Sumakay lang ako sa elevator at nang makarating na ako sa palapag kung nasaan ang office ng WIFE CORP. ay agad akong naglakad papunta roon. Nang makahinto ako sa harapan ng opisina ay agad akong pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko naman sila Anika at France na mga kaibigan ko. Pareho na silang nakaupo at tanging ako na lang ang hinihintay. "Carina, kumusta?" n