Chapter 118 Sing and dance ang nabalitaan kong gagawin ni Melody. Lumabas na ang promotional poster regarding sa festival. May naka-indicate roon na special guest na hindi pa pinangalanan pero Ako iyon. Ginawa ko ang trabaho ko sa project na pinirmahan ko no'ng nakaraan. Pero habang busy ako sa siyudad, may oras pa rin ako para mag-practice at maghanda. "Hindi siya singer, Ma'am Garrie. Pero kakanta at sasayaw raw siya. Okay siya sa dancing pero sa singing ay alam kong papalpak siya," kwento ni Denise habang nasa studio kami kung saan ako nagpra-practice. Ilang araw na ako rito sa siyudad at puro video call na lang ang nagagawa ko sa mga anak ko. Mamayang gabi ang uwi ko dahil sa susunod na araw na Ang festival. "Let's see kung anong palabas ang ipakikita niya sa mga mamamayan ng Sa

