Chapter 121 Napagod sa paglilibot-libot ang mga bata. Kaya no'ng ayaw na raw nilang lumakad ay pinuntahan na namin ang daddy nila na nasa stage at nanonood ng competition. Hindi ito judge, pero dahil naroon ang mga official ay naroon din siya. Kinandong agad nito ang kambal, habang si Gavyne naman ang kandong ko. Tuwang-tuwa ang mga ito sa drum and lyre competition na nagaganap. Kahit masyadong malakas ang naririnig nila ay walang nairita. Tama lang din talaga na kahit maayos ang estado ng buhay namin ay nararanasan ng mga bata ang ganitong okasyon. Iyong mga simpleng bagay na pwede naman nilang ma-experience ay talagang ipinararanas namin sa kanila. "Mommy, gusto ko rin po iyon!" turo ni Rusca sa lalaking may hawak ng pinakamalaking drum. "Kapag big ka na katulad ng Kuya na iyon a

