Chapter Eighty-nine 2 "For sure hindi na babalik si Carrie. As expected, hindi iyon magpapakahirap para alagaan ka. She wants you sa pinaka-best version mo, hijo. Hindi sa kalagayan mo ngayon," isinandal ko ang ulo ko sa upuan. Planado iyon. Sinubukan lang ni mommy, pero kumagat agad si Carrie sa patibong namin. Tapos na kami. At least siya na ang kusang umayaw. Matagal naman na kaming tapos pero hindi niya matanggap. "Mommy, help me... lahat ng tulong na io-offer sa akin para maging okay ako ay tatanggapin ko. Hindi ko gusto ang ganitong version ko. I want my old self. Gusto kong maging best version ako ng sarili ko para makaya kong harapin si Garrie at ang mga anak namin," pakiusap ko sa aking ina na agad namang tumango. "Are you sure na papasok ka sa capitol?" "Someone will help me

