Chapter Fourteen Hindi ako umuwi. Hindi ako nagpadala sa awa at pag-aalala. Gano'n din naman, kapag umuwi ako ngayon, bukas, o sa sunod na linggo ay may dahilan pa rin ito para pagbuhatan ako ng kamay. Hindi naman dating gano'n si mommy... kung hindi dahil sa akin... sa pagkakamaling nagawa ko noon ay hindi ito magbabago. For sure si mommy pa rin iyon na patas sa amin... sa akin. Hapon na bumalik si Governor Rusco. May mga shopping bag itong dala. Inilapag niya iyon sa center table at sumenyas sa akin na i-check. "Go, Garrie! Check it. Tignan mo ang mga kasya at hindi kasya sa 'yo." "Para sa akin ang mga ito, governor?" takang ani ko. "Yes. For sure hindi ka komportable sa mga damit ko na malalaki sa 'yo. Kaya inutusan ko ang assistant ko na ibili ka ng mga kailangan mo." "T-h