Chapter Eighty-six part two Agad tinakpan ng lalaki ang bibig ni Milanie. Ako na nagulat sa narinig ay natutop ko ang bibig ko sa labis na pagkabigla. What the f**k? "I'm sorry, Garrie. Huwag mo na lang pansinin si Milanie. Huwag mong pakinggan ang sinabi niya," hinging paumanhin ng lalaki. "P-atay na si Rusco?" ani ko kay Anshil. Waring na stress ito at masamang tinignan ang babaeng takip pa rin ang bibig. "No, of course not!" "Kung hindi... bakit ilang buwan na ang nakalilipas ay wala man lang balita sa kanya. Hindi ko alam kung ano na ba ang mga nangyayari at wala rin namang sinasabi sa akin ang mga tao ninyo. What is going on? Mababaliw na ako sa pag-iisip," patuloy ang masaganang luha ko habang kausap ang lalaki. Napabuntonghininga ito. "Garrie, hindi ko alam kung paanong sa

