Chapter 108 "Mommy, si Garrin po nakakapikon!" palabas pa lang ako ng mansion ay naririnig ko na ang tinig ng anak kong si Rusca. Pitong taon na ang kambal. Nasa stage ang mga ito na parang aso't pusa. Lalo pa'y trip asarin ng Kuya Garrin niya. "That's enough, Garrin and Rusca. Natutulog sa car seat si Gavyne," malumanay na saway ni Rusco sa kambal na nasa loob din naman ng sasakyan. Paglulan ko ay agad napangiti ang mag-aama ko sa akin. "Good morning, mommy!" ani ni Rusca na agad yumakap sa braso ko pagtabi ko rito. "Good morning, pretty. Nag-aaway ba kayo ni Garrin?" tanong ko kay Rusca na agad tumikwas ang kilay at masamang tinitigan si Garrin na todo papungay ng mata. "Sabi niya sa akin galing daw po ako sa tae ng kalabaw, mommy. Kalabaw ka ba, mommy ko?" si Rusco na tiyak kong na

