Chapter 1
PROBLEMADO si Maya kung saan kukuha ng pera para sa dialysis ng tatay niyaâng may kidney failure. Hindi na rin makapagtrabaho ang nanay niya dahil sa mild stroke. Tanging nakababata niyang kapatid na lalaki ang kasama ng parents niya na first year college pa lang.
Ang bunso nilang babae ay sampung taong gulang pa lamang. Ang lalayo ng agwat ng mga edad nila dahil napadalas ang pag-abroad noon ng tatay niya, noong hindi pa dinapuan ng sakit. Kaya noong magkasakit ang kanâyang ama ay siya naman ang nangibang bansa.
âMaya, bakit parang binagsakan ka ng langit dâyan? Malapit na ang oras mo sa pagkanta. For jamming pa naman ang kakantahin mo at dapat mataas ang energy,â puna sa kanâya ng kasamang entertainer sa isang bar at club na si Helen, isa ring Pinay OFW.
Nasa backstage na sila at naghihintay ng oras na maisalang sa entablado. Tatlong buwan pa lamang siya roon sa Southern Italy at nailipat sa isang bar sa Sicily. Part-time waitress siya, regular singer at dancer na rin sa araw ng Sabado, Linggo, at Miyerkules.
âWala pa kasi akong ipon para maipadala sa Pilipinas. Kailangan na ng tatay ko ng pera para sa unang dialysis niya,â aniya. Walang sigla siyang nakaupo sa bench.
âNako! Dinanas ko na rin ang ganâyang problema kaya pinatos ko na ang easy money na side-line rito sa bar.â
Pumanteng ang kanâyang tainga nang maisip ang tinutukoy ni Helen na easy money side-line. Noong isang araw lang niya nalaman ang ganoong pagkakakitaan. Nagkaroon tuloy siya ng ideya.
âMagkano usually ang ikinikita mo sa ano na nga âyon?â tanong niya.
âIyong blowjob?â
Napangiwi siya. âOo nga pala. Magkano ang bayad sa inyo ng costumer?â
âDepende sa offer ng kliyente. Minimum five hundred US dollars. Pero once na-satisfy sila sa blowjob mo, maari nilang taasan ang bayad. Maswerte ka kung makatagpo ka ng galanteng kliyente.â
âSigurado ka ba na blowjob lang ang kailangan?â
âMeron namang iba, kung okay sa âyo na s*x talaga, mas malaki ang bayad. Pero para sa akin, sulit na ang blowjob basta galingan mo lang. Kung makasampung kliyente ka sa isang gabi, tiba-tiba ka, girl. Pero dapat mag-effort ka para maraming kukuha sa serbisyo mo.â
Napakagat siya sa kanâyang ibabang labi. May kaibigan siyang nakilala noon sa Milan, Italy, isang singer din na guwapong lalaki at artista na sa Hollywood, si Craig. Ito ang nagturo sa kanâya ng tamang blowjob. Kaso matagal na siyang walang contact kay Craig, palibhasa ay sikat na.
Isa ring mafia si Craig at nakapag-extra siya bilang ispiya. Pa-extra-extra rin siya sa boss nilang mafia kaso biglang tumumal at nalulugi na ang ibang negosyo ng boss nila. Balita niyaây ibebenta na umano ang bar na pinagtatrabahuhan nila.
âMa-try nga,â sabi niya. Tumayo na siya at inayos ang kanâyang sarili.
âGo, Maya! Hindi ka naman mabubuntis ng blowjob lang, eh. Para naman may malaki kang pera,â udyok ni Helen.
Bigla siyang na-motivate.
âKristana, youâre next!â mayamay ay tawag sa kanâya ng manager nilang babae sa tunay niyang pangalan.
Umakyat na siya sa stage. Siya ang kakanta para sa jamming music at marami ang nag-aabang na costumer at karamihan ay mga lasing na.
âGood evening, ladies & gentlemen! We have a new jamming singer from the Philippines! Please welcome Kristana Sta Anna!â anunsiyo ng DJ.
Bigla namang umingay lalo nang magsimulang tumugtog ang banda. Napapaindak na si Maya habang nakahawak sa microphone na merong stand. Nakasuot pa siya ng silver skirt na merong palawit na pulang laso na makintab. Ang suot niya pan-itaas ay tanging silver na bra na merong lace na pula at maraming fake diamonds na nakabaon pero makinang.
May suot din siyang pulang gloves at booths na pula na merong three inches na takong. Kinulot niya ang ga-baywang niyang buhok na kinulayan ng ash blonde. Nakalugay lang ito.
Nang magsimula na siyang kumanta ng metal rock ay nagwala na ang mga tao sa kaniyang harapan. May mga light stick pang hawak ang iba, baso ng alak na itinataas sa ere habang sumasayaw.
Ang wild ng mga tao, may mga naghahalikan sa gigilid, nagkakandungan. Bulgar ang mga ito, walang pake kahit abutan ng l*bog sa public venue at doon nagtat*lik sa mga sulok. Nasanay na siya sa ganoong eksena sa bar. Mga liberated ang tao roon.
Sumasabay sa indak ng tugtog ang mga tao, maliban sa nag-iisang lalaki na nakaupo sa couch sa dulo habang may sinisimsim na alak sa basong hawak nito. Itim na itim ang kasuotan nito mula ulo hanggang paa. Malikot ang ilaw at dim light lang ang meron sa area ng lalaki pero kitang-kita niya ang attractive pero fierce nitong aura. Diretso ang tingin nito sa kanâya na tila may galit at ang talim kung makatitig.
Bumaba pa siya ng entablado at sinalo naman siya ng mga tao. Nakahiga siya habang pinapasa-pasa ng mga tao pero tuloy lang ang kanâyang kanta. Nang makababa siya ay inikot niya ang malawak na dance floor. Binibigyan naman siya ng daan ng mga tao at sinasabayan siya sa pag-indak.
Nakarating na siya sa tahimik na lalaki na unbothered ng pagwawala ng mga tao. Huminto siya sa tapat nito at doon kumanta habang sumasayaw ng dirty dance. Titig na titig sa kanâya ang lalaki habang natitigilan. Hawak nito ang baso ng alak na nakatapat sa bibig nito.
Ang sama nito kung makatingin. Lalapit pa sana siya rito ngunit pinigil siya ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan, naka-suit, tila bodyguards ng lalaki. Bumalik na lamang siya sa entablado at sinimulan namang kantahin ang ballad song na nakatuka rin sa kanâya. Nakapag-rehearse naman siya.
May dalawang oras din siyang nasa entablado bago pinalitan ng singer na lalaki. Halos mamaos siya kakasigaw at na-drain ang kanâyang lakas. Nang malaman na dumating na ang kanilang boss ay kaagad siyang sumugod sa opisina nito. Pakay niya na mag-advance ng sahod.
âWhat can I do for you, Kristana?â tanong ng matabang boss. May hinihithit itong tabako.
Nakatayo lang siya sa tapat ng lamesa nito. âI need money, sir. Can I have my salary in advance for two months? My father has been hospitalized in the Philippines,â aniya.
Umalon ang dibdib ng ginoo. âI want to help you, but you know that I am paying multiple debts. I can give you the money you need but only the monthly salary. For now, I donât have existing cash. Arenât you aware that sooner, you will have a new boss?â
Natigalgal siya. Tama nga ang tsismis na ibebenta na ng boss nila ang bar. âAre you selling the bar, sir?â hindi natimping tanong niya.
âNo. My friend, with whom I have debt, will take this company as collateral. He will buy only the rights. I donât have a choice.â
Bigla siyang nanlumo. Wala na talaga siyang maasahan kundi patusin ang side-line na kahit dehado siya.
âI understand, sir.â Nagpaalam na lamang siya.
Nagliligpit na ng gamit niya si Maya para uuwi nang ipatawag siya ng boss. Nakapagpalit na siya ng pulang blouse at itim na leggings. Dinala na niya ang kanâyang bag sa opisina ng boss.
Nagulat siya pagpasok ng opisina nang madatnan doon ang lalaking unbothered sa kaguluhan at walang pake sa pagkanta niya. Masama pa rin ang tingin nito sa kanâya, o sadyang ganoon lang talaga ito kung tumitig, parang galit na tigre. Prente itong nakaupo sa may couch malapit sa table ng kanâyang boss.
âCome here, Kristana,â tawag ng boss.
Lumapit naman siya rito. âYes, sir?â aniya.
âI want you to meet Yoshin Guicini. He just talked to me, and he mentioned your performance earlier. And he wanted to talk to you.â
Nawindang siya at napalingon sa lalaki, na pinangalanan ng kanâyang boss. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Nakatitig lang ito sa kanâya.
âUhm, what can I do for him, sir?â tanong niya sa boss.
âHe wants entertainment. You need instant money, right? That guy can offer you everything.â
âW-What kind of entertainment, sir?â
âWhat else can you do aside from dancing and singing? Can you pleasure a man?â Biglang tanong sa kanâya ni Mr. Guicini.
Pumihit siya paharap sa lalaki. Naisip niya naman ang blowjob na napag-usapan nila ni Helen. At dahil doon naka-focus ang kanâyang isip, ganoon din ang nanulas sa kanâyang bibig.
âI can do blowjob, sir!â aniya.
Nagulat pa siya nang biglang humagalpak ng tawa ang kanâyang boss. Napaubo pa ito. Ngunit si Yoshin ay nanatiling emotionless.
âWhat is it about?â mayamaya ay tanong ni Yoshin.
Nagulat pa siya sa tanong ng lalaki. Nahimasmasan siya nang mapagtanto kung ano ang kanâyang nasabi. Wala na siyang lusot kaya pinanindigan na ang sinabi.
âUh, itâs kind of foreplay to arouse a man or make him org*sm,â walang abog niyang tugon.
Tawa nang tawa ang kanâyang boss na mataba, halos hindi na makahinga.
âIâm in,â ani Yoshin. Tumayo na ito. âMy men will assist you. I will wait in my car.â Lumabas na ng opisina ang lalaki.
Ilang sandaling tulala si Maya at hindi makapaniwalang napapayag niya ang estrangherong lalaki sa kalokohan niya.
âDonât miss this chance, Maya. Donât worry. Yoshin was a rich businessman and a mafia boss,â sabi ng boss.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. âHeâs a mafia boss, too?â bulalas niya.
âYes, and heâs a powerful, dangerous mafia lord of an organization. Be nice to him and do what he wants. I will assign my men to accompany you to Yoshinâs house. They can call me once Yoshin harms you.â
Nagtiwala naman siya sa kanâyang boss. âThank you, sir!â
Mayamaya ay may pumasok na dalawang lalaki na naka-suit. Niyaya na siya ng mga ito na umalis. Mga tauhan pala ito ni Yoshin. Sumunod naman siya sa mga ito palabas ng bar.
âWait. Where are we going?â tanong niya sa dalawang lalaking kasama.
âBoss will decide,â sagot naman ng isang mas matangkad na lalaki.
Huminto na sila sa tapat ng itim na limousine. Nawindang siya dahil doon sila sasakay. Pinagbuksan pa siya ng lalaki ng pinto sa mismong puwesto kung nasaan si Yoshin.
âGet in,â sabi ng isang lalaki.
Kabado siyang nag-alangan. Sinilip pa niya si Yoshin. Hindi siya nito pinansin.
âJust get inside, maâam. Lord Yoshin hates to wait,â udyok ng lalaki.
Tumalima naman siya at sumakay na. Lumuklok siya sa upuang katapat ni Yoshin. Manghang-mangha siya sa loob ng sasakyan dahil parang nasa isang hotel suite. May TV pa sa loob at mini bar na merong naka-display na mga alak at baso.
Nang umusad na ang sasakyan ay inatake na siya ng kaba. Hindi siya mapakali sa upuan at naghalungkat na sa kanâyang bag. Meron naman siyang dalang teargas at nail cutter na merong nakatagong patalim. Meron din siyang maliit na electric gun.
âWhat do you do with blowjob?â basag ni Yoshin sa katahimikan.
Napamulagat pa siya. âDonât you know it?â manghang untag niya. Akala niya naman ay naintindihan na nito ang sinabi niya nang nasa opisina sila ng kanâyang boss.
âIâm just familiar with the word, but I donât really know how it works.â
Natutukso siyang matawa ngunit napigil niya ang sarili. May pagka-inosente pala itong lalaki. Kung hindi nito alam ang blowjob, malamang ay wala pa itong karanasang s*ksuwal.
âUhm, itâs a usual thing that women do to a guy before they have s*x, but it can work without s*x. Only a womanâs mouth can be used for p*nis to penetrate and reach for his org*sm,â detalyado niyang paliwanag.
âI got it. But are you willing to do it to me?â
âOf course, but itâs a kind of job for me. You need to pay me with a minimum of five hundred US dollars. If you are satisfied, you can increase the price.â
Walang imik ang lalaki at pinasadahan lang siya ng tingin. Ibinalik din nito ang tingin sa telebisyon. Na-curious tuloy siya bakit tila wala ito masyadong alam tungkol sa s*x. Ang weird nito.