Chapter 9

1095 Words
GALIT pa rin si Cassandra kay Sawyer, ni hindi nga niya kayang tingnan ito dahil sa nandidiri siya sa tuwing naaalala ang nangyari sa kanila kagabi. Gagawa-gawa pa ng palusot, palpak naman. After ng kaniyang tinuran ay hindi na pumatol si Sawyer, dahil alam naman niya ang naging kasalanan kay Cassandra. Dahil kung hindi siya titigil, hindi rin titigil ang misis niya. "How'd you learn arranging flowers, hija?" Interesadong sambit ng Lola ni Sawyer sa kaniya. Kasalukoyan silang nasa harden na nasa likod ng kanilang bahay at nag o-organize ng flowers sa mga vase para ilagay sa designated parts ng bahay. Napangiti si Cassandra, "Sa Lola ko po, no'ng bata pa kasi ako ay isa ito sa mga ginagawa namin kapag bumibisita kami sa kanila ni Lolo." Makahulogan niyang pagbabahagi. "Wow, I want to meet your grandma. I'm sure, she'll be a good teacher to me, just like how she teaches you." Isa sa mga hangarin ni Amelia sa natitirang panahon niya ay ang makakakilala ng mga magiging kaibigan niya. And knowing that Cassandra has a granny who teaches this incredible art makes her feel excited. "She's gone na po, Lola." Simpleng sagot niya dito. Deep inside her heart ay nalulungkot siya. Isa sa mga magagandang childhood memories ay nanggaling sa grandparents niya. Rather than go outside and play with other kids, may side siya na gugustohing mag venture on things na nais niyang matutunan. "Oh... I'm sorry, my dear. You must be sad, halika." Tumigil muna si Amelia at gano'n rin naman si Cassandra para lumapit dito. "Okay lang po, Lola. Matagal na rin naman, tiyaka sigurado ako masaya na rin siya kung nasaan man siya ngayon." Gusto ni Amelia si Cassandra. Dahil sa kalmado lamang ito, at magalang. Bonus na rin yata ang paging maganda nito. Kung tutuusin, her grandson doesn't deserve someone like her. Nang yakapin siya ng Lola ni Sawyer, parang nararamdaman lang niya 'yung yakap ng Lola niya dati. Ang tagal na niyang nangungulila sa yakap ng isang Lola. "Huwag kang mag alala, hija. Hindi ko mapapalitan ang Lola mo, pero nandito ako, I can be your granny as well. I can teach you whatever you want to know that I know. We can bond each other if life's getting harder out there at kinakailangan mo ng break. I'm just here." She's meaning to say that to Cassandra. She's a good kid, napakagaan din ng kaniyang loob dito, kaya sino bang hindi magkagusto dito? "Salamat po, Lola. Tatandaan ko po." --- DURING breakfast, magkatabi man silang dalawa ni Sawyer ay hindi niya ito kinibo. Kahit na he's serving her food and drinks, she can't seem to find the willingness to talk. "Gusto mo ba ng itlog?" Tanong ni Sawyer bago niya salinan ng pagkain ang plato ni Cassandra. But he got no answer. "How about bacon? Should I put some in your plate?" Still, no answer. Hindi na alam ni Sawyer kung paano ito pakikibuin. Napakahirap ba naman kasi. Tiyaka, hindi naman ganito ang ugali ni Cassey. "Ilalagay ko ha?" Kasi kung hindi siya maglalagay, ano naman ang kakainin nito? Milo nga lang iniinom nito tiyaka wheag bread. Samantalang ang Lola nila ay naaaliw kung tingnan ang kaniyang apo. Parang ayaw itong kausapin ni Cassandra kaya ume-effort. Sawyer felt his granny's gaze towards him, napanguso lang siya nang ngisihan siya ng kaniyang Lola. Animo'y tinutukso siya. "Ako na ang magliligpit. Iwanan mo na lang diyan." Pigil niya kay Cassandra nang akmang magligpit ito ng mga pinagkainan. Nang marinig iyon, hinayaan na lang ni Cassandra ang pinagkainan na iwanan sa mesa. "Punta mo na po ako sa taas, Lola. Aayusin ko lang po 'yung mga gagamitin ko sa trabaho." Pagpapaalam niya kay Amelia. "Sige, apo. Maghinay-hinay lang para hindi manilis mapagod." Habilin nito sa kaniya na ikinatango niya lamang. Sooner, she found herself tracking the stairs papunta sa itaas. Samantalang si Sawyer ay pinanood lang ang asawa na tahimik na umalis at umakyat sa hagdanan. Tila isang napakalaking problema niya kung papaano makipag ayos kay Cassandra. Kulang na lang yata sumabog ang ulo niya kakaisip ng paraan. "Anong kasalanan mo?" Tanong ng kaniyang Lola sa kaniya. Hindi man lang siya tinanong kung may kasalanan siya. "P-Po? Wala." Pag de-deny niya. "Eh, kung wala kang kasalanan. Bakit hindi ka kinikibo ng asawa mo?" Pamumunto naman ng lola niya na hindi niya naiwasan. Bagsak ang mga balikat na napapahilig siya sa kaniyang upoan. "May nagawa kasi ako sa kaniya na hindi niya gusto." Nag ngising aso ang kaniyang lola, "Ano ba 'yon?" "Ahh, basta. Huwag ka na magtanong, La." Ayaw niya sabihin, baka kamo mag duda pa. "Nag ano na ba kayo?" Pero ang Lola niya ay ayaw magpaawat at nagtatanong pa rin. "Anong, ano, La? Ewan ko ba sa inyo-" Huli nga lang ang reaksyon niya kasi parang mahina yata ang signal sa utak niya kaya processing at na delay ng ilang seconds. "Ha? Hindi pa ah!" "Hahahaha, ikaw ha. Huwag ka na mahiya. Alam ko na 'yang gawain na 'yan. E-enjoy niyo lang apo, mas maigi kung araw-arawin niyo." "Lola, hindi nga po gano'n!" Asik niya ngunit ang mga pisngi ay unti-unting namumula. "Oy, namumula pisngi mo oh. That means, tama ako. Ayaw mo lang aminin." Giit ni Amelia habang lumalakas ang kaniyang pag tawa. Napapakamot sa kaniyang ulo si Sawyer. "So, tell me, kailan ako magkaka-apo sa tuhod? Malapit na ba?" Napatayo si Sawyer ng pabalang, the chair was unconsciously dragged on the floor na gumagawa ng ingay. "Ang kulet mo, La. Bahala ka nga." He give up and took the dishes to the sink instead of chatting with his annoying granny. --- NAGDALA ng snacks si Sawyer para kay Cassandra matapos sa kaniyang gawain sa baba. Nagpaalam muna siya sa kaniyang Lola na puntahan ito upang e check. Pagkarating niya sa kuwarto nila ay nakita niya itong abala sa pagguhit. Nakatalikod ito sa banda niya, kaya't hindi siya nito nakita o mapansin. She's so focused that even he is approaching her, ay hindi ito napapalingon man lang. "Snacks ka muna." Aniya, at inilagay ang dalang sandwich at juice sa midi table na nasa mini living area ng kuwarto. "Cassandra, hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" "Thanks, iwanan mo na lang 'yan diyan." Sagot naman ni Cassandra sa kaniya nang marinig siyang nagmamaktol dahil sa pang de-deadma niya dito. "Hindi mo pa ba ako pinapatawad?" Lumapit ulit si Sawyer sa kaniyang asawa. And finally, she stopped what she's doing at binigyan siya ng pansin. With her dagger like eyes, "Bakit naman kita papatawarin? Hindi ka naman humingi ng sorry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD