TEASER

384 Words
"Ikaw man ang pinakasalan, pero ako ang mahal niya. Tandaan mo, Cassandra. Pamalit ka lang!" singhal ng ate Cassey niya sa kaniya. Hindi niya bagkus akalain na sa pagbabalik nito ay mapapawalang saysay ang tatlong taon na pagsasama nila ng kaniyang asawa na si Sawyer Valdez. Tumulo ang kaniyang pinipigilang luha kahit sa kabila ng sobrang pagkabigla. Nasa isang corporate party sila ng pamilya nila and she had no idea kung para kanino ang party. Yun pala ay para sa pagbabalik ng kapatid niya na biglaang nawala sa mismong araw ng kasal nito kay Sawyer. "Ikaw man ang mahal ni Sawyer, ngunit ako pa rin ang mas may karapatan kaysa sa'yo! Kaya't kahit magsama kayo, o kung ano man ang gawin sa'kin ay hinding-hindi kayo magiging masaya!" giit niya sa kapatid, kahit na ang kaniyang asawa ay nasa tabi ng kaniyang kapatid at magkahawak ang mga kamay. "Why don't you just leave and let us be happy, Cassandra? Malinaw na mahal ko ang ate mo, at kaya kita pinakasalan ay dahil lamang sa umalis siya at walang ibang choice ang parents mo but to make you her replacement para maisakatuparan ang partnership ng bawat kompanya natin." wika ni Sawyer sa mahinahon na boses. "Oo nga, Cassandra! Bakit ipipilit mo pa ang sarili mo sa situwasyon na hindi ka naman parte? Hindi ka nga mahal ni Sawyer!" tinulak siya ng ate niya, na halos ikatumba niya. Mas nasaktan siya nang mapansing wala man lang pakealam ang asawa niya sa ginawa nito. "Dahil mahal kita, Sawyer! Sa loob ng tatlong taon na magkasama tayo sa iisang bubong, hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalin ka. Kahit na ilang beses mo akong insultohin at sinasaktan sa paraan ng mga pananalita mo." "Pero... paano? Simula pa lang ay nilinaw ko na sa iyo ang lahat at kasama na roon ang hindi mahulog sa'kin dahil ang kapatid mong si Cassey ang mahal ko." "Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sayo, Sawyer hanggang sa mamahalin mo rin ako. Kahit ipagpilitan ko ang sarili ko, wala akong pakealam." Kahibangan man ito para sa iba, ngunit para kay Cassandra ay tama lang na panindigan at ipaglaban niya ang karapatan niya bilang asawa ni Sawyer. Hindi man siya mahal nito ay kahit ano, basta gagawin niya lahat para lang mapaibig ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD