Chapter 33 3rd Person's POV Inayos ni Sierra ang sarili bago lumabas ng kwarto. Base sa instinct niya nasa baba na ang mga kakambal. Binuksan ni Sierra ang pintuan saktong paakyat ang triplets. Nang makita siya ng triplets agad ang mga ito tumalikod at balak ng bumaba para siguro mga umiwas. Agad na lumabas si Sierra at hinawakan ang mga kapatid. "I'm sorry." Napatigil ang tatlo at lumingon kay Sierra na nakatingin sa kanila. Yumuko si Sierra at sinabing mali siya. "Hindi ko dapat sinabi iyon sa inyo. Mali ako," ani ni Sierra at nag-angat ng tingin. Hindi umimik ang tatlo. "Movie marathon ulit tayo? Tabi-tabi tayo ulit matulog?" ani ni Sierra. Nagbago ang expression ng tatlo. Nag-cross arm si Silvestre. "Akala mo ba madadala mo kami sa gani—" Tinakpan ni Silas ang bibig