Chapter 30 3rd Person's POV Lumabas si Laurde ng kwarto. Tinakpan ni Sierra ang bibig habang nakatingin sa nakasarang pintuan. Sobrang dami niyang narinig na putukan sa labas hanggang sa bumukas nag pintuan. Nakita niya si Cyrus na pumasok. May hawak itong baril. Bumukas ang pintuan at nanlaki ang mata ni Sierra matapos may sumaksak kay Cyrus. Nakita niya si Merrick. Nakatalikod ngayon si Merrick sa direksyon niya habang hawak nito ang espada na nakabaon sa tagiliran ni Cyrus. "Ha-hayop ka." Hinugot ng lalaki ang espada na kinabagsak ni Cyrus. Iwawasiwas ng lalaki ang espada para tapusin si Cyrus nang may tumamang vase sa ulo ni Merrick na kinahiyaw ng binata. Dumugo ang ulo nito at paglingon niya nakita niya si Sierra. Nagulat si Cyrus Maxwell matapos makita ang empress. "I