MABILIS ang lakad ko habang naglalakad sa hallway. Kasunod ang natatarantang si Mylene sa aking likod. Nakasalubong pa namin ang isang katulong kaya huminto ako. "Pakitawag si Silvia. Sabihin mo mag-uusap kami sa libray, ngayon na," masungit kong sabi. Hindi ko mapigilan hindi lumabas sa mukha at tono ng boses ko iyong iritasyon. "Masusunod, Senyorita," sabi nito at umalis na din agad. "Senyorita..." may bahid ng takot ang boses ni Mylene. Nilingon ko siya. Umiling si Mylene na tila ba ayaw niya akong tumuloy sa binabalak ko. "Bakit ka matatakot kung nagsasabi ka ng totoo? Kailangan mong manindigan sa sinasabi mo, Mylene. Paano ako maniniwala ng tuluyan sa'yo kung hindi tayo maghaharap-harap dito?" sabi ko sa kanya. Napalunok ito ng matindi at napakurap-kurap. "Kung totoo man ang lah