KABANATA 3

3061 Words
AGAD akong nakabawi sa pagkabigla at bumalanghit ng tawa. Sino naman kasi ang hindi matatawa. Grabe namang biro ang bumungad sa akin ngayon. "Ikaw naman, Gov. Nakakabigla naman ang biro mo," sabi ko at tumawa ulit pero unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi ng makitang hindi man lang nakuhang ngumiti ni Gov sa akin. "Seryoso talaga?!" pagpapalatak ko. Namilog ang mga mata ko lalo na ng tumango siya. Napahawak ako sa ulo ko. Parang hindi mag-sink in talaga sa utak ko na may pamilya ako sa Batangas. "Teka, kasi anak ako ni Edita Bitangcol. Namatay na ang Mama ko, Gov. Si Helena, iyong kapatid ni Mama ang nagpalaki sa akin. Magpapatunay niyan si Tiya Helena Bitangcol Santiago. Buhay pa siya. Baka ibang Anne ang hinahanap mo. Hindi ako Oraza. Bitangcol ako," pilit kong pinapaliwanag sa kanya kung sino ako. Muli niyang ipinakita ang picture ko. "Ito, mayroong litrato ang pamilya Oraza. Sa kanila galing ito. Handa silang ipa-DNA ka para malaman ang buong katotohanan. Sabi ni Senyor at Senyora, kinuha ka ng katulong nila na nagngangalang Margarita—" "O, Gov! Hindi Margarita ang pangalan ng Mama ko! Edita!" "Dahil ibinigay ka sa kanya. Kinuha ka ni Margarita at ibinigay sa anak ng kapitbahay na tiyahin ng pinsan ng—" "Gov ano nga?! Sumasakit ang ulo ko!" muli akong napahawak sa ulo. "Iyon ang ibingay sa akin na impormasyon ng mga tunay mong magulang. Malakas ang kutob nila na ikaw si Anne Oraza. Ako ay nagmamagandang loob na tumulong lamang dahil sila'y nasa ibang bansa pa. Simula ng nilabas ang resulta sa pagpapahanap sa'yo kahapon. Ako ang inutusan na kausapin ka muna." Umiling ako. Kahit anong paliwanag ni Gov. Hindi ko makuhang maniwala. Imposible talaga. Matutuwa ako kung totoo kasi mukhang mayaman ang nagpapahanap daw kay ANNE. Aba! Gustong-gusto ko na yumaman, ah! Nakakapagod kayang magtrabaho. "Alam mo, Gov. Gusto ko sana maging miyembro ng pamilya nila. Kasi sabi mo Senyor! Senyora! Aba mayaman ang ganoon, 'di po ba? Kaya lang... hindi talaga ako 'yon. Gusto mo kausapin natin si Tita Helena ko para naman 'di ba? Maliwanagan ka. Mali ang imbestigador niyo. Baka 'yang picture naibigay lang 'yan sa mag-asawa." "DNA. Para matapos na din itong hinala nating lahat. Handa din akong kausapin ang Tiya mo ngayon kung gusto mo." "Ngayon na?!" gulantang kong tanong. Sumilip ako sa madilim na kalangitan. "Marami akong ginagawa, Miss Bitangcol. Malayo ho ang Batangas sa Maynila pero dahil ngayon lang ako may oras kaya ako nagpunta na dito kahit gabi na. Hindi ko na kayang ipagpabukas pa sapagkat ako'y marami ding ginagawa sa serbisyo para sa taong-bayan." Natahimik ako. Ramdam ko bigla na pulitiko ang kausap ko dahil sa lintaya niya. Nakakahiya naman ako na mag-a-adjust. Niluwagan ko ng malaki ang pinto. "Uh, pasok ka muna dito Gov habang tinatawagan ko ang Tiya ko." Napatingin siya sa loob ng apartment bago muling tumingin sa akin. "Pasensya na po sa apartment. Maliit lang pero maipagmamalaki ko dahil malinis po 'yan. Pasok po!" alok ko at hinila ang upuan para sa kanya. Tahimik na pumasok si Gov Philip pero halata ang pagmamasid niya sa buong apartment. "Iyon pong kasama niyo? Okay na ho 'yan sa labas, ano?" tanong ko at sinilip ang body guards nito sa labas. "Hindi na. Aantayin nila ako sa labas," sagot nito at bumaba ang tingin sa akin dahilan para sundan ko din iyon ng tingin. Mabilis kong hinatak pababa ang damit ko. Sobrang iksi kasi ng shorts ko at lantad na lantad ang maganda at maputi kong legs. Naabutan ko siyang nag-iwas ng tingin. "Pakitawagan na ang Tiya mo. Nasa bulsa ata ng shorts mo ang cellphone mo. Kung gusto mo p'wede din nating puntahan ngayon para hindi masayang ang oras," suhestyon nito sabay sulyap sa relong pambisig. Tumikhim ako. "Tawagan ko po muna. Baka kasi wala din siya sa bahay," sabi ko at kinuha na ang cellphone sa bulsa ng shorts. Kaya pala at doon nakatingin. Umbok kasi gawa ng cellphone. Kapag ganitong oras nasa labas pa iyon si Tiya. Baka nasa sugal o nainom pa sila ni Tiyo. Couple goals kasi nila 'yon, eh. "Wait lang po, ha?" sabi ko at tinalikuran ko siya para i-dial ang numero ni Tiya. Ilang ring pa bago ako sinagot. "O, Anne! Magpapadala ka ba kaya ka tumawag? Ano ba Epifanyo! Ang baho ng hininga mo. Halik ka ng halik putragis ka!" Napangiwi ako sa bungad ni Tiya Helena. Dinig pa ang tawanan sa kabilang linya. Mukhang nag-aasaran na naman sila ng mga barkada niya at game na game si Tito Epifanyo. "Uh, wala po. Bale may itatanong sana kasi ako kung p'wede bang pumunta ako diyan at may itatanong sana ako 'ta?" tanong ko at nilingon si Gov na nakatitig sa picture kong nasa dingding. Namula ang mukha ko sa hindi malamang dahilan. Nagagandahan siguro siya sa akin diyan. Kuha ko 'yan noong highschool. Sumali ako sa intrams. Pangmalakasan kong picture 'yan. "Naku at busy ako ngayon! Ano ba 'yang itatanong mo? Itanong mo—punyeta Epifanyo! Tumigil ka nga!" Huminga ako ng malalim at gusto ko na din magmura. Hindi ko siya makausap ng maayos sa ingay ng mga barkada niya. Muli akong sumulyap kay Gov at nahuli kong nakatingin na siya sa akin. Alanganin akong ngumiti. Nag-iwas ito ng tingin at tila nakaramdam ng pagka-ilang. "Pupuntahan na lang kita diyan, Ta. Importante kasi talaga. Kasama ko si Governor." "Puta, Anne! Sinumbong mo ba kami?!" sabi nito at naramdaman ko ang pagkataranta sa boses niya at pananamik ng mga kasama nito. "Huh? Kasama ko si Gov kasi nga may lilinawin kami sa'yo tungkol sa pagkatao ko, Tiya. Pupunta na kami diyan siguro mga after 30 minutes. Andyan na kami." "Aba, teka! Anne—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at pinatayan ko na ng tawag. "Gov, okay daw. Magpapalit muna ako ng ano—damit. Uh, gusto niyo po ba ng tubig? Wala po akong pagkain. Tubig lang mabibigay ko." Umiling ito. "Ayos lang ako," tugon niya kaya alanganin akong ngumiti at tumango-tango. Nagmamadali akong kumuha ng damit at shorts sa drawer habang abala sa cellphone si Gov at mukhang may tinatawagan na dahil nilagay na sa tainga niya ang cellphone. "Hello..." Pumasok ako sa banyo at habol ang hininga. Pigil na pigil pala ako sa paghinga kanina. Nagsuot ako ng t-shirt at ti-n-uck in ko iyon sa pinalitang medyo mahabang shorts. Nakakahiya naman kasi humarap sa pulitiko na mukha akong nagpapa-booking. Naabutan ko siyang wala ng kausap pero abala sa pagtitipa sa cellphone nito. Kahit nakatungo, ang gwapo niya. Kagalang-galang tignan. Halatang wala siyang panahon sa kalokohan. Naninibago ako. Hindi ako sanay na may kasamang ganitong tao. Pakiramdam ko hindi ako totoo. "Uh, Gov. Tara na! May sasakyan ka naman ho, ano?" tanong ko dahilan para magtama ang aming mga mata. Muntik na kong mahimatay! Ang gwapo talaga ng Governor sa Batangas. Parang gusto ko na lang lumipat ng bahay at doon na din magtrabaho. Doon sa office ni Gov! Kahit na araw-araw akong magpunas ng lamesa niya. Hindi ako papalag! "Anne!" "Po?" Napakurap-kurap ako. Nawala ako sa reyalidad dahil napatitig ako sa kanya. Nakakahiya! "Halika na kasi nagmamadali din akong umuwi." Tinalikuran niya ako at iyon na nga nagmamadali ng maglakad. Sumunod ako sa kanya at ng makita ko ang itim at magara nitong sasakyan. Umawang ang bibig ko. Hindi pa ko nakasakay sa Limousine! "Wow, Gov! Sa inyo ba talaga 'to? Ang yaman pala ng taga Batangas!" wala sa sarili kong sabi at hinawak-hawakan ko na ang makintab na Limo niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Huh?" Napatayo ako ng tuwid at binalingan siya. Nakapamulsa na siya at seryoso pa rin ang mukha. Napangiwi ako. Namali ako ng nasabi! Ang intindi niya tuloy kurakot siya. Umiling ako at natawa. Medyo takot akong bumaling sa dalawang guard na nakabarong. Nakatabi sa kanya. Hindi din kasi sila ngumingiti. "Sabi ko mayaman po pala kayo na taga Batangas. Wala ho akong ibang—" "Sige na," sabi niya. Pinutol ang sinabi ko. Kinabahan ako dahil lumapit ang isang guard niya! Literal na lumundo ang puso ko sa kaba! "Tabi po, Miss. Bubuksan ko 'yong pinto." "Huh? Uh, sige..." nahihiyang tumabi ako at inayos ang buhok. Tumabi ulit ako sa kabila dahil minuwestra ng isang guard ang pinto para kay Mayor. Sumunod ako. Sabi ko tatahimik ako pero hindi ko maiwasang magmukhang salat sa karangyaan kaya pagpasok sa loob panay ang 'wow' ko! "Wow, ang ganda! Wow, sosyal! Gov, p'wedeng inumin 'yan?" turo ko sa mga inumin sa bar counter. May maliit na tv pa tapos ang ganda ng chandelier sa loob! "Wow!" Hindi ako mapakali sa upuan at panay hipo ng leather seat. Ang haba at kasya ang marami dito. "You wanna try?" Bumaling ako sa kanya at naabutan kong titig na titig siya sa akin pero agad ding nagbaling sa bar counter ng nilingon ko. "Opo, Gov! Susulitin ko na. First time ko dito. Teka—s**t ang ganda! Magpi-picture muna ko, Gov. Selfie lang, ha? Basta patikim ho ako ng pinakamahal na alak mo diyan. Salamat, Gov!" Bumungisngis ako pagkatapos at nilabas ang pipitsugin kong cell phone. Ang pangit ng cellphone ko sa sasakyan niya. Halatang dukha. Nag-pose ako ng ilang selfie. Umanggulo ng kaunti. "Syet! Sana all ang mga marites nito!" Humagalpak ako ng tawa habang tinitignan ang ilang kuha ko. Napangiwi ako kalaunan. Dapat pala suot ko dito long gown or 'yong pang-arwahan. Pak na pak na. "Your drink." Sinulyapan ko si Gov na inaabot na sa akin ang wine glass. "Salamat, Gov. Pasensya ka na ho. As in, first time ko na alam mo na. Makasakay po sa ganito. Makakita ng ganito po! Ang ganda pala talaga sa personal. Nakakahiya nga pong itapak ang tsinelas ko dito kasi alam ko ang mahal po ng sasakyan niyo. Kaya tuwang-tuwa ako. Hindi ko alam kailan ako ulit makakasakay sa ganito kaya nag-picture ako." Natatawa kong sabi at napakamot sa ulo. Tumango siya. Napatingin ako sa wine glass na hawak ko. Ang galing hindi ko ramdam na umaandar kami. Hindi man lang umaalog ang inumin ko. Hindi natatapon. "My car is nothing compared to what you have there in Batangas." "Po? Ako?" Naituro ko ang sarili ko. Tumango ulit siya at umayos ng upo. Kanina ko pa siya pinapanuod. Bawat galaw niya ang smooth. Hindi siya mayabang gumalaw katulad ng kay Travis. Si Gov, igagalang mo talaga. Si Travis, mumurahin mo pa. Sumimsim ako ng wine. "Your parents bought you a car. It's a 25th birthday gift for you. We are hoping that this time, magagamit mo na siya." Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong wine. May sasakyan ako? Aba kung talaga ngang ako si Anne Oraza. Aalis na ko sa letseng apartment ko. Mayaman pala ako at bakit ako magtitiis sa hirap! "Ibig sabihin simula ng baby ako as in binibilhan nila ako ng regalo? I mean si Anne?" tanong ko na tinanguan niya. Kailan kaya nawala si Anne sa kanila. Tapos ngayon lang nila hinanap? "Yeah," tipid nitong sagot at naputol ang pag-uusap namin dahil may tumawag dito. "Hello, Mayor..." Inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin ng selfie ko. Si-n-end ko sa mga kaibigan ko 'yong picture. Nag-upload din ako sa peacebook. Caption: Chillin Punyemas na chillin 'yan! Dumudura ng karangyaan ang buong sasakyan. Mainggit kayong mga animal kayong inggitera sa buhay ko. Sa dami ng kaibigan ko, marami ding marites sa buhay ko. Mga plastik na katrabaho na walang ibang ginawa kundi ipagkalat na pokpok daw ako at manggamit ng lalaki. Iyong iba pa sinabing escort ako. Excuse me, ganito lang ako pero never kong gagawin 'yon. Ayaw nilang maniwala na virgin ako. Edi 'wag! Sunod-sunod ang tunog ng cellphone ko dahil sa notifications sa peacebook at missingger. "Sa may Liwayway ang sa Tiya mo 'di ba? Galing na kami doon. Wala ka sabi ng kapitbahay. Kaya dito kami sa apartment mo nagpunta." "Opo, Gov," sagot ko sabay inom ng wine. Napangisi ako. Pati wine halatang mahal! Ang tamis, masarap at may kaunting alcohol. Hindi na nagsalita si Gov at abala na muli sa kung ano mang binabasa niya sa cellphone. Kasunod niyon ay may tumawag na naman sa kanya. Kahit gabi trabaho? Nakutuban ko dahil pinag-uusapan nila iyong tungkol sa ipapadalang relief goods and cash sa nasalanta ng bagyo sa Bulacan. Napangisi ako ng makita ang messages ng mga katrabaho ko. Maging sa comment section pinagkaguluhan nila ang bagong upload ko. "We're here." Nag-angat ako ng tingin at luminga. Sumilip ako sa labas ng bintana. Ang bilis naman! Nasa kanto na kami at hindi nakakapasok ang sasakyan kasi syempre eskinita. Ibinigay ko kay Gov ang wine glass at pinauna niya kong lumabas. "Si Anne!" "Hoy, Anne! Bago na naman 'yan?" Napangiwi ako. Suki talaga ako maging sa barangay namin. Paano iyong iba ko kasing naging manliligaw at boyfriend may sasakyan pero hindi ganito kagara. Minsan din akong naihatid dito noon. Kaya iniisip nila boyfriend na naman. Pumwesto ang dalawang bodyguard at nagulat ako na naglabasan ang ibang guard niya na nakasuit and tie na. Napasulyap ako kung saan sila galing. May nakasunod pala sa aming dalawang sasakyan. Umusog ang mga tao at natakot na ang iba kaya nagsiuwian. "Gago! Raid!" Mas lalo akong napangiwi. Nahihiya ako na dalhin si Gov dito sa kinalakihan ko. Naunang pumasok sa eskinita ang ibang security niya. Matapos na may tumawag na p'wedeng pumasok tsaka kami naglakad ni Gov. "Pasensya na, Gov. Ganito talaga dito. Maraming tambay," sabi ko sa kanya. Humihingi ng paumanhin. "Naiintindihan ko. Ganito talaga kapag sa squatters area." Tumango ako at tahimik na sumunod sa kanya. Natanaw ko agad si Tiya sa labas ng bahay. Ayos na ayos at ngiting-ngiti ng salubungin kami. "Anne! Uh, Gov magandang gabi ho!" sabi ni Tiya at hindi ko mabakas sa mukha niya na nakainom siya. Bagong ligo at malamang nag-ayos dahil sabi ko kakausapin namin siya ni Gov. "Magandang gabi po, Maam Helena." Natawa si Tiya at kumuway sa kanya. Naroon lang ako sa tabi ni Gov at tahimik na nakikinig. Napasulyap ako sa loob ng bahay at nakadungaw ang mga pinsan ko na panay ang kaway sa akin. "Helena na lang, Gov! Ano pong sadya natin? Pasensya na hindi ko kayo maimbitahan sa loob. Hindi tayo kakasya kasi maliit... masikip at magulo ang bahay." Napatingin sa akin si Gov Philip. Parang hindi naman yata tama na pag-usapan ang tungkol sa pakay namin sa labas ng bahay. Lalo na ganitong maraming nakatingin. Nakikiusosyo. Tumikhim si Gov at nilagay ang dalawang kamay sa likod nito. "Bueno, aanyayahan na lang kita saglit sa sasakyan ko. Saglit lamang ito. Masyadong konpidensyal ang pag-uusapan natin." Napalinga-linga si Tiya sa paligid at nahihiyang bumaling ulit sa amin. Tumango siya bago nagsalita. "Sige ho." Iyon ang naging hudyat para escort-an din siya ng security at umalis kami doon. Hindi na ko nakabati at nakapagpaalam sa mga pinsan ko. Tulad ko awang din si Tiya Helena ng makapasok sa loob. Kanina sumisimple siya sa akin at kinakalabit ako. Nagtatanong kung anong mayroon. Kaya lang hindi siya makapagsalita ng maayos dahil nga kasama namin si Gov. "Gusto niyo ho bang maiinom?" Nakuha pang mang-alok ni Gov kay Tiya ng makapasok kami. Siniko ko si Tiya dahil panay ang pasada sa paligid. "Ay, ano ba. Hindi na, Gov!" Natatawang sabi ni Tiya at hindi malaman kung paano umupo sa loob ng Limousine. Halatang naiilang. Tulad ko din. "Bueno, direstyahin na po kita. Anong edad ho ni Anne ng ibigay po siya sa inyo ng kapatid mo?" Napatingin si Tiya sa akin at nagtataka bakit pinag-uusapan ang tungkol sa akin. Halata din ang biglang pag-ilap ng mga mata nito. Hindi makatingin kay Gov. "B-bakit niyo ho tinatanong? Sanggol pa 'yan si Anne ng ibigay sa akin ni Edita." Napasulyap ako kay Gov na titig na titig kay Tiya Helena. Tila binabasa ang bawat galaw ni Tiya. Sumulyap si "Si Anne ho kasi ay hindi niyo talaga kamag-anak. Ako po ay dumayo pa dito para lang sunduin siya. Siya po ay binili ng kapatid niyo kay Josefa. Pagkatapos ay ibinigay po sa inyo. Hindi po siya totoong anak ng kapatid niyong si Edita." Napalingon si Tiya sa kanya at gulat na gulat. "Tiya... sabi kasi ni Gov anak daw ako ng taga Batangas. Magpapa-DNA daw ako kung sakali para malaman ang totoo. Ano po ba talaga? May picture po niya ako. Galing po sa mag-asawa na nagsasabing anak daw ako. Ampon ba ko 'ta?" ako na ang nagtanong kay Tiya. Napakurap-kurap si Tiya at hindi na makatingin. "Oo naman! Anak ka ni Edita!" sabi niya pero bakit pakiramdam ko hindi naman iyon ang totoo dahil sa biglang pagkawala niya ng kumpiyansa sa sarili. "Magpapa-schedule ako ng DNA bukas." Laglag ang panga ko sa sinabi ni Gov. Si Tiya ay mabilis ding bumaling sa kanya at mukha na siyang nabahala. "Patawarin ako ni Edita..." bulong niya. Kumalabog ang puso ko at para akong mahihimatay ng tinignan si Tiya na nag-umpisa ng magkwento! "Totoo. Ampon si Anne. Binili siya ng kapatid ko sa babaeng nakilala niya sa Baclaran. Nagtitinda daw ng mga damit. Josefa ang pangalan. Gustong-gusto ni Edita magka-anak kaya binili niya si Anne. Ang gusto ng binilhan niya. Anne pa rin ang ipapangalan. Sabi sa kanya ibinigay lang daw si Anne ng pinsan niya na na may kapitbahay sa Cavite. Hindi ko na alam kung anong eksaktong nangyari basta ganyan ang kwento ni Edita. Umalis siya at iniwan sa akin si Anne dahil nga nalaman na may cancer siya. Hindi niya kayang alagaan. Sumumpa pa ako na hindi ko aaminin kay Anne ang totoo dahil ang gusto ni Edita ituring kong tunay na pamangkin si Anne. Kaya tinupad ko ang pangako niya na palalakihin ko si Anne at hindi ko sasabihin ang totoo." "T-tiya..." nanginginig ang boses ko ng tawagin siya. Hindi ako makapaniwala. Ampon talaga ako! Nangingilid ang luha ko. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako na hindi pala nila ako tunay na pamangkin o ano. Pero naiiyak ako. Kasi... buong buhay ko. Akala ko kamag-anak nila ako. "We will proceed with the DNA test. Para sa ikakapanatag ng lahat. Hindi ka pa rin naman yata naniniwala Anne." Umurong yata ang luha ko sa sinabi ni Gov. "Hindi, ah! Naniniwala ako, Gov! Pero sige para sure, para hindi sabihin impostor ako o baka nagkamali kayo kahit mukhang tugma lahat. Papayag ako sa DNA!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD