TAHIMIK kami habang kumakain. Hindi ako sanay na hindi kasama si Belinda sa hapagkainan. Wala din akong lakas nang loob para magtanong. Tahimik si Mommy. Ibang-iba sa tuwing kumakain kami kapag kasama si Belinda. Hindi naman nagsasalita si Daddy. Para tuloy naiisip ko na nag-away silang dalawa dahil sa amin ni Belinda. Nginingitian naman ako ni Mommy kapag napapatingin ako sa kanya. Iyon nga lang may kakaiba sa tingin niya na hindi ko pa ma-point out sa ngayon. Ang hirap niyang basahin. Kung naiinis ba siya sa akin o hindi. Hindi kaya nang sikmura ko na kumakain kami na hindi kasama si Belinda. Hinahatiran lang ng pagkain. Alam ko na masakit sa parte iyon ni Mommy kahit na hindi man niya aminin sa akin. Minabuti kong kausapin si Daddy tungkol dito. Pilit ko na lang iniintindi kung bakit