KABANATA 25

1174 Words

HINDI ko tuloy malunok ang kinakain ko dahil sa narinig. Nagulat kasi ako. Ewan ko bakit kinakabahan ako ngayon. Mabuti na lang patapos na din lahat kumain. Pinilit kong isubo ang dessert dahil last naman na iyon. "Why is he here?" tanong ni Charles at sa akin pa talaga siya nakatingin. Umiling ako. "Hindi ko alam..." mahina kong sambit at marahang pinunasan ang gilid ng aking labi gamit ang table napkin. Naabutan ko ang palitan ng tingin ni Charles at Geselle. Hindi ko mabasa kung anong laman ng isip nila. Natigil ako sa pagtingin sa kanila ng marinig ang yabag ng sapatos ni Philip at ang katulong sa mansion. "Dito po, Gov." Pare-pareho kaming lumingon sa bagong dating na si Philip. Nakangiti pa siya at maaliwalas ang mukha. "Magandang gabi po! Pasensya na at hindi ako nakapag-abis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD