NIYAKAP ako ni Philip habang nagto-toothbrush. Nagmumog ako bago ko siya binalingan. "Alam mo, parang ayaw ko nang maniwala na wala kang maalala..." Nanliit ang mga mata ko at nagmumog ulit. Nahanap niya ako sa banyo matapos nitong umuwi galing sa kapitolyo. Humalakhak si Philip. "Kapag hindi kita pinapansin. Umiiyak ka. Kapag nilalambing na kita, ayaw mo namang maniwala. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?" may himig ng aliw sa tono ng boses niya. Natawa na rin ako at nagpunas ng bibig bago ko siya nilingon at marahang tinulak palabas sa banyo. Hindi maalis ang ngisi ko habang hinahawakan ang pagkakabuhol ng suot kong roba. Salubong pa ang kilay ni Philip. Nagtataka sa inaakto ko pero nakagat niya ang ibabang labi habang ang mga mata ay nakangiti nang itulak ko siya ng marahan sa kama

