IT was an unforgettable experience at tingin ko nga mauulit iyon dahil pareho naming nagustuhan ni Philip. Mabuti na lang nakapagpahinga at nakapag-ayos kami ng sarili dahil wala namang nang-istorbo sa amin. Ayaw pa bitiwan ni Philip ang mga kamay ko pero hinila ko na iyon habang natatawa at umalis na sa harap niya. "We look like we're a teenager. Babalik na ko sa opisina." Humagikgik ako at tinalikuran ko na siya. "Maam, tumawag si Miss Santos regarding daw po sa board meeting." "Alright, I'll call her." Buti at siya lang ang naghanap sa akin. Nakakhiya na isang oras at kalahati akong wala sa pwesto ko tapos alam ni Lira na nakay Philip ako. Syempre, baka isipin niya kung anong ginawa namin doon. Guilty pa man din ako. Panay ang sunod sa akin ni Philip habang kumukha ako ng damit ni

