ARAW-ARAW kong nakasama si Philip dahil sa utos ni Daddy. Nanunuod siya kapag may klase ako pero may times na kasama niya si Belinda. Apat na araw iyon at ng huli, sumama na ang kapatid ko dahil wala na siyang pasok no'n. Umpisa pa lang parang ayaw ko na sumama sa kanila sa main office dahil nagmukha akong third wheel sa kanila. Bukod doon nadi-distract ako. Lumilipad ang isip ko. Kaya sabi ko ng bandang tanghali ay uuwi na ako dahil napagod na ko. "Ihahatid na kita," presinta niya at lumayo kay Belinda na kanina pa dikit ng dikit sa kanya. Umiling ako at binalingan ang kapatid na tahimik na nanunuod sa amin. "Hindi na. May driver naman. Sige, bye!" sabi ko at mabilis silang tinalikuran. Ayoko ng magtagal doon dahil iba ang pakiramdam ko. Nagtaka tuloy iyong katulong ko bakit ang aga