BUMALIK ako sa kama. Sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa nangyaring pag-iyak kagabi. Ramdam ko na wala pang alam si Philip. Kung mayroon, kinompronta na sana niya ako kagabi pa lang. O, kanina. Kaso hindi. Kailangan kong magmadali at trabahuhin ang lahat ng ito. I know na darating ang time na malalaman ni Philip ang totoo pero ang gusto ko, mapapakulong ko na no'n si Kyle. Kung hindi man, humahanap ako ng tiyempo para sabihin ko sa kanya. Hindi lang issue tungkol sa katarantaduhan ni Kyle kundi kung kaya niya akong tanggapin ng buong-buo. Maging ang reaksyon niya. Natatakot ako. Sa madaling salita, hindi pa ako handa. Buong araw iyan ang nasa isip ko. Nagkulong ako sa kwarto at natulala. Nawala iyong excitement ko tungkol sa lupa na nabili namin sa pamilya ng hayop na 'yon. Kapalit ni

