KABANATA 5

2076 Words
NALULA ako sa laki at marangyang bahay! Hoy! Walang nagsabi na sobrang laki ng Hacienda! Pagpasok pa lang para na kong pumasok sa subdivision ang kaibihan lang puro pine trees at sugar cane farm ang bumungad sa akin. As in... Oh em gee! I kennat! Nagdusa ako sa pagiging mahirap at takam na takam sa mga branded na gamit 'yon pala kayang-kaya kong bumili no'n kahit now na! Ang yaman ng totoo kong magulang! May ari ng sugar cane farm. Iyon ang number one business yata sa Hacienda. "Welcome to our humble home," sabi ni Daddy at inakbayan ako. "Wow, humble ito?! Ang laki-laki!" sabi ko at ibinaba ang bagpack na bitbit ko at nanakbo para pasadahan ang buong bulwagan. "Senyorita! Dahan-dahan lang po!" "Wow, ang laki ng chandelier!" bulalas ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganyan ka-shala na chandelier! May grand staircase pa! Iyong bahay para siyang napapanuod ko sa mga pelikula. Puro rustic wood ang design. "Senyorita, iyong sandals mo po. Papalitan natin." Napatingin ako sa katulong na nakauniporme. Lagpas sampu sila at pare-pareho ng damit bukod sa matanda na naka slacks at polo shirt. Iyon ba ang tinatawag na mayordoma kapag sa mayaman? Feeling ko ganoon na nga yata. "Bakit papalitan? Uy! Uy! Wait lang!" Nataranta ako dahil lumuhod siya para hubarin ang sandals kong mumurahin. Nag-panic ako. Hindi ako sanay na may umaasikaso sa akin maski magtanggal ng sandals ko. Natawa ang ibang katulong dahil sa pagkataranta ko. Ngumiti si Daddy at si Mommy. Mommy daw itawag ko na din sa kanya. Sa bagong asawa ni Daddy. Nanayo pa rin ang balahibo ko sa katawan kapag tinatawag ko sila ng ganyan. Bago pa lang kasi sa akin. Hindi ako sanay. "Ayan!" sabi ng katulong at naisuot na sa akin ang puting tsinelas na para talaga pambahay. May naka-print pang Hacienda Oraza sa gitna. "Nagugutom ka na ba?" Nilingon ko si Daddy. Abala pa ko sa paghimas ng grand staircase ng tawagin niya. Umiling ako. Totoo hindi ako nagugutom. Gusto ko na maglibot at maglibot sa buong Hacienda! Tumawa si Mommy Marinel. "You must've been excited to roam around the mansion. Leonora, pakisamahan naman ang Senyorita sa magiging kwarto niya. Anne, siya ang mayordoma dito sa mansion." "Masusunod po, Senyora." Yumukod iyong matanda at ngumiti ng bumaling sa akin. "See you later at lunch, Anne. Feel free to do everything you want. This is your home now," sabi ni Daddy at niyakap ako ng mahigpit. Natanaw ko si Mommy Marinel na nag-uutos na sa ibang katulong. "Where's Belinda? I haven't seen her?" "Nasa pool po." "Sige na umakyat ka na," sabi ni Dadd. "Dito po tayo, Senyorita," iminuwestra ng mayordoma ang grand staircase. Sumenyas pa ang mayordoma sa katulong. "Ang mga gamit ni Senyorita. Iakyat na." "Opo, Miss Leonora!" sabay-sabay na sambit ng dalawang katulong. Bitbit ng isa ang bagpack ko at ang isa ay maleta. Tumango ako at excited na humakbang. Panay ang pasada ko sa buong paligid. "Grabe ang laki! Maliligaw po ako dito Ate kapag iniwan mo ako," wala sa sarili kong sabi habang naiiwan ang ulo ko sa kada pinto na nadadaanan namin. Natawa ang mayordoma sa aking sinabi. Humagikgik ang dalawang katulong na nakasunod sa amin. Napatingin ako sa kanila at nahuli ko iyong isa siniko ang kasama niya dahilan para tumigil sa pagtawa. "Manang Leonora na lang ang itawag mo sa akin. Ganyan ang tawag sa akin dito ni Senyorita Belinda.." Sinulyapan ko siya at nginitian. Kumunot ako pagkuwan. "Sino po si Belinda? Kanina narinig ko tinatawag siya ni Mommy Marinel," tanong ko at napatingin sa naka-display sa hallway na mga paintings. Puro forest o 'di kaya kalikasan ang naroon. "Anak ni Senyora Marinel sa una niyang asawa." Nag-form ng O ang bibig ko. Hindi ko alam may half-sister pala ako. "Ilang kwarto ang mayroon dito, Manang?" usisa ko at hindi yata matatapos ang kada tingin ko sa buong paligid. Maski dingding naghuhumiyaw ng pera. Hindi kasi basta-basta ang mga muwebles nila at materyales ng bahay. "15 kasama na ang sa driver's and maid's quarter." Laglag ang panga ko sa dami! Hanggang fourth floor pa man din kami. "Ang dami! Kaya pala hanggang apat na palapag ito at mahaba. Ibig sabihin dito sa second floor ang kwarto ko?" Tinagilid ko ang ulo at pinagmasdan si Manang na inayos ang eyeglasses niya habang kami ay patuloy na naglalakad. Huminto siya sa isang pinto kaya napatingin ako doon habang awang ang bibig. "Dito na ang kwarto ko?" tanong ko. Tumango siya at sinusian na ang pinto. Binuksan niya ng kaunti at binalingan ako. "Ikaw na ang maunang pumasok, Senyorita," iminuwestra niya ang loob. Sunod-sunod ang tango ko at ang buong atensyon ko ay nasa kwarto na. Pagbukas ko ng pinto laglag ang panga ko sa ganda! Para akong nasa kwarto ng isang prinsesa. Puti at may halong light pink ang buong kwarto. Nasa gitna ay nakapalaking kama. May parang kulambo pa sa taas. Tapos sa harap ay malaking flat screen TV. Ang ganda ng ceiling. Parang butterfly ang design ng kisame at may magarang chandelier! Nanakbo ako sa loob at nakakita ng hagdan! "Senyorita! Dahan-dahan po!" "Diyos ko! Sundan niyo!" Dinig kong sabi ni Manang Leonora. Nataranta pa dahil sa ginawa kong pagtakbo. "Senyorita!" tili ng dalawang katulong. Natigil ako napasinghap ng makitang may sarili akong mga drawers! Marami at iba't-ibang mga damit! May drawer sa gitna. Paghila ko puro alahas! "Oh em gee!" tili ko at nilabas ang ibang pearls at sinubukan. "Ito po ang salamin, Senyorita," sabi ng katulong na mukhang hiningal sa kakahabol sa akin. Itinapat niya sa mukha ko ang maliit at may mumunting bato sa gilid nito. Sinipat ko ang sarili habang sinusukat ang kwintas na yari sa pearls. "Bongga!" sabi ko at maingat na ibinalik ang kwintas sa lalagyan. Isa-isa kong binuksan ang drawer at hindi ko maitikom ang bibig sa sobrang pagkamangha! Lahat naghuhumiyaw ng karangyaan! Tunay na ginto ang mga alahas ko! Naalala ko noon, hirap na hirap akong makabili nito kaya kapag niregaluhan ako ng manliligaw or ng boyfriend ko. Tinatanggap ko. Magandang investment kaya ito dahil tumataas ang value sa paglipas ng panahon. Kapag wala na kong pera isasangla ko lahat. Kaso nabaitan yata sa akin ang langit o naawa. Ginawa akong anak nila Daddy Wilfredo at Mommy Maricar. "Ate! Ate! Akin lahat ng 'yan?! My gawd! Gucci 'yan 'di ba?!" Turo ko ng makita ang ilang bags na naka-display sa malaki at glass cabinet! Apat na palapag ang mayroon at sampung bags ang nakahilera. "Yes, Senyorita. Regalo iyan sa'yo ng namayapa mong ina at sa tuwing birthday mo nakakatanggap ka din ng regalo galing sa mga kamag-anak. Naipon lahat at sinigurong naitago ng maayos dahil umaasa si Senyora Maricar na darating ka. Kahit na hindi ka niya naabutan. Hinabilin niya kay Senyor na huwag gagalawin at iingatan lahat ng regalo mo." Natigilan ako at biglang nakaramdam ng lungkot. Mas masaya kung buhay ang tunay kong ina. Siya pala ang dahilan bakit ang dami kong gamit. Kahit na wala ako ng ilang taon. Hindi siya tumigil na bigyan ako ng regalo tapos nakuhang itago ng ganito. Nasa maayos na kondisyon pa lahat. "Huwag ka ng malungkot, Senorita. Alam kong masaya si Senyora Maricar sa kung saan siya ngayon dahil nahanap ka ni Senyor," sabi ni Manang Leonora. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Tama nga naman siya. Sinilip ko pa ang ibang gamit doon. Napunta na ko sa mga branded na damit at sapatos. Nag-try akong magsuot. Abalang-abala ako sa kaka-try ng mga damit. "Ayan, Senorita. Okay na po," sabi ng katulong matapos na i-zipper ang damit ko sa likod. Lumakad ako at huminto sa harap ng full length mirror. Suot ko ay bodycon dress na may LV ang print sa gitna. Itinaas ko ng kaunti ang dalawang kamay para maipasok sa akin ang coat na brown. Pulos print ng LV din iyon. Inabot naman sa akin ang LV din na handbag. "Ang shades ko, please," sabi ko at nagpa-practice pa sa pag-iingles. Inabot sa akin ng katulong at sinuot ko iyon. Huminga ako ng malalim at eleganteng bumuntong-hininga habang puno ng adorasyon ang mga mata. "Ang ganda ko talaga..." sambit ko. Hindi nagsalita ang mga katulong at nilingon ko sila. Mariin ang tikom ng bibig nila pero halatang natatawa. "Hindi ba?" tanong ko. "Po?" sabay nilang tanong at nag-angat pa ng tignin. "Sabi ko hindi ba ko maganda?" Itinaas ko na ang shades at inilapag ng marahan sa ibabang ng countertop ang bag. "Maganda po, Senorita! Nakakaaliw lang po kayo pagmasdan. Kasi... ganyan din po ako kung sakali na malaman kong mayaman ako. Galing po kasi ako sa hirap—" "Silvia!" puna ni Manang kaya natigilan sa pagsasalita iyong katulong at nag-sorry. "Pasensya na Senorita at naging madaldal ang katulong." Kumunot ang noo ko. "Ayos lang naman. May freedom of speech naman tayo, eh," sabi ko at tinalikuran sila para magpalit ng damit. Sumubok pa ko ng ilang bags at shoes doon. Dalawang oras din ang inabot ko. Nanakit lang ang paa at napagod ako kaya tumigil na. "Teka, ililigpit ko muna ito," tukoy ko sa tatlong bags na nasa countertop. "Kami na po, Senorita." "Hayaan mo na sila, Senorita. Trabaho nila 'yan. Nagugutom ka na ba? Magpapadala ako ng pagkain." Umiling ako at sinulyapan ang dalawang katulong na abala sa pagbabalik ng mga gamit sa cabinet. "Hindi na. Magpapahinga siguro muna ako. Napagod din ako sa ginawa ko," sabi ko at bumaba na doon para umupo sa kama. "Ang lambot! Sobra! Sa apartment ko sobrang nipis ng kutson. 'Yong tig 800 pesos lang. Tapos after isang buwan, pitpit na. Bibili na naman ako. Ito... ang mahal siguro nito kasi ang kapal!" sinukat ko ang kapal ng kutson. Sikat na brand pa iyon kaya alam kong mahal. "Hindi naman siguro para sa mga magulang mo. Barya lang sa kanila ang presyo niyan." Nag-angat ako ng tingin. "Bakit magkano ba ito?" tanong ko kay Manang. "100 thousand ang alam kong presyo ng mga kutson sa Hacienda." Laglag ang panga ko. Ibig sabihin ilan ang kwarto tapos ang mga kutson ay ganito kamamahal! Mahihimatay yata ako sa mga presyo dito. "Isasara ko ang bintana. Matutulog ka ba, Senorita?" "Hindi. Magpapahinga lang. Higa lang po. Mag-ce-cellphone muna ako," sinundan ko siya ng tingin ng tumango ito at lumapit sa aircon para buksan iyon. Sumampa ako ng maayos sa kama. Sobrang lambot talaga! Sabi ko hindi ako matutulog pero para akong hinehele. Tapos kada pasada ko sa buong kwarto ang ganda-ganda! Hindi ko pa nakikita ang banyo pero mamaya na lang. Napagod ako sa pagrampa sa ano ba tawag doon. Narinig kong sabi ni Manang. Closet... ano ba 'yon. Walang alam ang mga kaibigan ko sa tunay na sitwasyon ko. Pinagmumura na nila ko sa GC dahil hindi ko sinasabi kung saan ako ngayon. Ang iniisip nila nakahanap ako ng ibang trabaho. Ang iba ay mag-a-abroad daw ako. Gusto kong palakpakan ang sarili kasi hindi ko nakuhang sabihin talaga sa kanila ang totoo. Hindi nila ako napilit. Tsaka ko na sasabihin ang totoo sa malalapit na kaibigan ko lang talaga. Panay ang selfie ko habang nakahiga sa kama. Sinama ko na din ang buong kwarto. Pero mamaya lahat ng corner ng kwarto ko kukunan ko ng litrato. Paano na lang ang buong Hacienda kung sakali? Baka isang buwan ako bago matapos sa kaka-selfie! Para akong nakalutang tuloy dahil sa nalasap kong kaginhawaan sa mansion. Niyakap ko ng mahigpit ang unan. Nagpaalam si Manang at ang dalawang katulong sa akin. Tumawag daw ako gamit ang telepono at i-dial ang 0 kung may iuutos ako. Ang galing hindi ba? Hindi ko kailangan bumaba at sumigaw para mag-utos. Parang kailan lang ako ang inuutusan. Ngayon ako na ang mang-uutos. Napangiwi ako ng mag-ring ang cellphone at lumabas sa screen ang pangalan ni Tiya. "Hello..." "Anne! Wala ka na sa apartment? Nandito ako ngayon. Nasaan ka ba?" Nakagat ko ng mariin ang labi. "Umuwi na po ako sa bahay ng tunay kong magulang, Tiya. Sabi po kakausapin ka po din tungkol doon. Nagmamadali kasi si Dad—Senyor na umuwi kami. Bakit ka nandiyan, 'ta?" Umahon ako sa kama at sumandal para makausap siya ng maayos. "Anak ka talaga?! Inuwi ka na sa kanila? Sa Batangas 'yan 'di ba? Saan ba banda? Malaki ba ang bahay? Mayaman ba talaga?" sunod-sunod ang tanong niya at hindi ko alam kung matutuwa ako sa tono ng boses niya. Nakukutuban ako sa kung anong mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD