SA unang pagkakataon ay nagtabi kami ni Belinda kumain sa hapagkainan. Sobrang ilang ko at ramdam ko maging siya ay ganoon din. Sariwa pa nga sa alala ko iyong nangyari sa amin kanina. Magkatabi si Philip at si Charles. Sobrang tahimik nga at nagpapakiramdaman pa. Si Daddy lang ang bumasag ng katahimikan tapos sinegundahan ni Mommy kaya gumaan ang paligid. Nakukuha nang sumali ni Charles sa topic kaya nakukuha kong ngumiti dahil na-a-amaze din ako kung paano siya makipag-usap kila Daddy. Nakakamangha. "Dadalhin ko po siya sa farm. Ako naman ang magpapasyal sa kanya ngayon." "Wow! Mag-e-enjoy ka, hijo. Basta if you need anything don't hesitate to tell Anne," sabi ni Mommy. Tapos na nga kami kumain at nagkukwentuhan na lang. Napasulyap ako sa gawi ni Philip at mukhang magsasalita pa san