bc

Landas ko'y ikaw

book_age16+
1.5K
FOLLOW
7.1K
READ
possessive
family
playboy
CEO
heir/heiress
sweet
bxg
realistic earth
cheating
lawyer
like
intro-logo
Blurb

NAGMAHAL AT NAGPARAYA.

GINAWANG SPERM CELL DONOR.

MAG-ISANG NAGPALAKI SA ANAK.

MAGAWA PA KAYANG MAGPATAWAD SA TAONG LABIS SIYANG SINAKTAN?

EXCERPT:

"Rey, bakit mo pinakuha si Mikey? Please, wag mong ilayo sa akin ang anak ko."

"Sa akin na uli titira si Mikey."

"Rey, wag mong ipagkait sa akin si Mikey. Parang awa mo na."

"Hindi maaari, Lara."

"Rey, susundin ko ang mga conditions mo. Wag mo lang ilayo si Mikey."

"Kahit ano gagawin mo, Lara?"

"Oo."

"Una, kung gusto mong makasama si Mikey ay sa bahay ko ikaw tumira. Pangalawa, you will be bedded whenever I want to."

chap-preview
Free preview
Ang pagbabalik
Tumatahip ang dibdib ni Lara sa excitement habang pababa ng eroplano. Madaling araw na lumapag ang sinakyan niyang eroplano sa airport at damang-dama niya ang lamig ng simoy ng hangin na dumampi sa kanyang pisngi. Kung ang mga kapwa niya pasahero ay may mga sasalubong o susundo na mga kamag-anak, siya ay wala ni isa. Sino ba ang susundo sa kanya? Wala naman na nakakaalam na babalik siya ng Pilipinas. Isang traveling bag lang ang dala niya. Pumara siya ng taxi at sinabi sa driver ang address kung saan siya pansamantalang tutuloy. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi, ngiti na may kasamang pangamba. Tatlong dahilan ang binalikan niya sa bansa. Ang kanyang anak na si Mikey, ang amang may sakit at si Gideon. 'Galit pa kaya siya sa akin?' tanong ng kanyang isip. Naisip niya ang kanyang anak, sabik siyang makita at mayakap ito. Limang taon na ito at sa picture lang niya ito nakikita. Naluluha siya sa kasabikan. Ini-imagine na niya ang yakap ng maliliit nitong mga bisig. Marami siyang pasalubong dito, mga laruan at mga damit na binili niya sa duty-free shop. Napahugot uli siya ng malalim na hininga, miss na miss na rin niya ang kanyang ama at gusto niyang humingi ng tawad dito. Dahil sa kabaliwan niya ay nasira ang tiwala sa kanya ng ama. Sarili lang niya ang kanyang inisip. Makasarili siya. Isa siyang alibughang anak. Sumbat niya sa sarili. Sunod-sunod ang pahugot niyang paghinga at pilit kinakalma ang sarili. Handa na siyang humingi ng tawad sa ama at pagsilbihan ito habang nabubuhay pa. At lahat ng pagkukulang niya sa kanyang anak na si Mikey ay kanyang pupunuan. At si Gideon Rey? Bigla siyang nakaramdam ng pananabik na makita ito at gusto niya rin na humingi ng tawad sa lalake ngunit kung paano ay hindi niya alam. "Ma'am, nandito na po tayo," wika ng taxi driver. Natigilan pa si Lara ng marinig ang sabi ng taxi driver. Nakahinto na pala ang taxi sa tapat ng hotel na pansamantala niyang tutuluyan. Nakahiga at nagpapahinga na si Lara ngunit hindi siya dalawin ng antok. Wala yata siyang naramdaman na jet lag. Marami siyang mga naiisip na gawin pero may isa siyang dapat unahin, ang makahanap ng bagong tirahan. Pabiling-biling siya sa malambot na higaan. Napatingin siya sa puting-puti na kama at napalunok ng may maalala. Ang mga nakaraan na hindi niya inakala na magsisilbing anino niya hanggang sa kasalukuyan. Bumalik sa kanya ang nakaraan. Five years earlier. "What!" Isang malutong at malakas na tawa ang umalingawngaw sa opisina ni Gideon. Yumuyugyog pa ang balikat nito sa walang patid na pagtawa. "Don't laugh at me. I'm serious," naiinis na wika ni Lara. Nakaupo siya sa harap ng mesa ng binata. Natigil sa pagtawa si Gideon ngunit nasa mukha pa rin nito ang ngisi na lalong ikinainis ni Lara. "Ano na? I need your decision right now!" singhal ni Lara sa binata. Napipikon na siya rito. Umiling-iling si Gideon at pormal na tinitigan ang dalaga. "Lara, the answer is no," wika nito at nag-dial sa intercom, "Miss Pascua, please ready the documents for Case#1055," saka itinuon ang atensiyon sa laptop. Binago ni Lara ang kanyang tono, nagbabakasakaling magbago ang isip ng binata."Gideon, I'll pay you with an enormous amount. It's a hundred fold bigger than the payment you received from your whole year service in our company. Pumayag ka na. Please," malambing niyang wika. "Lara, why me? Marami namang lalaki riyan. Pumili ka sa mga manliligaw mo," wika ng binata habang tuloy lang sa pagta-type sa kanyang laptop. "You’re my first choice," wika ng dalaga. Gigil na siya, masyadong mataas ang pride ng kanyang kausap. Itinigil ni Gideon ang ginagawa at hinarap ang dalaga. "I'm not selling my priceless sperm cell, Lara," pormal na wika nito. "Damn it. Ibinibigay mo nga ng libre sa mga girlfriends mo." Tumaas uli ang tono ni Lara. Nanggagalaiti na talaga siya sa pagmamalaki ng binata sa kanya. "My girlfriends, Lara. Girlfriends." Idiniin pa ng binata ang huling salita. "And besides sinisiguro kong walang buhay na mabubuo. I want to have a child to a person I love and will love me in return," seryosong wika uli ng binata at muling ibinalik ang atensiyon sa harap ng laptop. Napaismid si Lara. Sabagay may karapatan magyabang si Gideon. Sa edad na twenty five ay isa na itong ganap na abogado. Hindi rin papahuli sa tindig at tikas ng katawan. Matangos ang ilong, malalim at mapang-akit ang mga mata sa ilalim ng makapal ngunit pantay na mga kilay. Maganda ang hugis ng mga labi at pantay-pantay ang mga mapuputing ngipin. "Gideon, wala namang int*rcourse na mangyayari. We are going to have a child by way of vitro fertilization. I contacted already a woman to stand as surrogate mother to our child," malumanay uli na paliwanag ni Lara sa kausap. Patuloy lang sa ginagawa si Gideon na parang wala sa harap niya si Lara. Pagkuwa'y nag-dial uli sa intercom, "Miss Pascua, the case folder please." Pumasok naman ang Secretary na dala ang dokumento. Nakasimangot na si Lara sa pagwawalang-bahala sa kanya ng kausap. Ipinasok ni Gideon ang mga dokumento at laptop sa kanyang leather case at pagkatapos ay hinarap si Lara. "Are you through? I have a Client meeting." Tumayo ang binata at tinungo ang pintuan. Humabol si Lara at humarang sa pinto. "Rey, please. Help me with this," nagmamakaawa ang tono ng dalaga. Pormal na tinitigan ni Gideon ang dalaga at hinawakan ng isang kamay ang pisngi nito. "Talagang gusto mo akong maging ama ng iyong anak?" Napangiti si Lara. "Yes. Payag ka na?" "I'll give it to you free, Lara baby, but with some conditions." Pilyong ngumiti ang binata habang nakatitig sa mukha ng dalaga. "What conditions?" Kinabahan si Lara sa sasabihin ng kaharap subalit kahit ano pa man ito ay handa siya. Sersoyong tinitigan ni Gideon si Lara at himimas-himas ng hinlalaking daliri ang isang pisngi ng dalaga. "First condition, the child will carry my surname. Second, I don't want a surrogate mother. Third, I don't want a vitro fertilization method." Tinawanan ni Lara ang tinuran ng kaharap, "No. You're joking," ngunit alam niya ang tinutumbok ng binata. "Do you think I'm joking?" seryosong tanong ni Gideon. Hinawakan nito ang baba ng dalaga at inilapit sa mukha niya. "Hindi! Ayoko!" matigas na sagot ni Lara sa binata at pinalis niya ang kamay nito sa kanyang baba. "Well, it's your decision. Excuse me, my client is waiting." Tuloy-tuloy ng umalis ang binatang abogado. Naiwan na nakatanga si Lara. Siya? Magbubuntis? Hindi puwedeng mangyari iyon. Hindi siya maaaring magbuntis. Wala ng choice si Lara kungdi pumayag sa mga conditions ni Gideon. Ipagbubuntis niya ang kanilang magiging anak at bubuuin by natural method. Sa loob ng tatlong araw ay magkakaroon sila ng pagtatalik ng binata at itinaon niya ito sa kanyang fertile period. Sa isang exclusive resort sa isang isla sila nagpunta. Niyaya muna siya ni Gideon na mag-dinner at uminom ng alak, wika nito pampagana raw sa gagawin nila. "Good evening, Ladies and gentlemen. We have an exciting game for our guest couples tonight." Isang emcee ang pumagitna at may hawak na isang bowl at bumunot ito ng apat na nakabilot na papel. "When your names are called, please come in front. Mr. and Mrs. Astor, Mr. and Mrs. Patente, Mr. and Mrs. Borja and Mr. and Mrs. Posadas." Napatingin si Lara kay Gideon na waring nagtatanong kung makikisali ba sila dahil nindi naman sila tunay na mag-asawa. Mukhang game si Gideon sa pakulo ng emcee at hinawakan siya nito sa kamay. Napilitan si Lara na sumama at pumunta sa harapan. Umupo silang magkakahelera ang mga babae at ganoon din ang mga lalaki. Magkakatapat ang bawat magkakapareha. Binigyan sila ng tig-iisang maliit na white board at marker. Napatingin siya kay Gideon na mukhang excited na nakikinig sa sinasabi ng emcee. "Okay, Ma'ams and Sirs. Here's the mechanic of the game. I will ask questions and all of you will answer. We will know kung gaano n'yo kakilala ang isa't-isa." Isa-isa pa silang tiningnan ng nakangiting emcee. "And what is the prize? Wow. The winning couple in this game will have an opportunity to occupy our newly opened matrimonial suite with free meal and sexy aphrodisiac cocktail, of course, for one night." Napagibik sa excitement ang tatlong babaeng kahelera ni Lara maliban sa kanya na nakatingin lang sa emcee. Tanging ngiti lang ang nagawa niya dahil hindi sila naroon ni Gideon para mag-honeymoon. "Ready, couples?" wika ng emcee. "Ready!" Magkakasabay pang sumagot ang tatlong magkakapareha. At kung tama ang kanyang pandinig ay sumagot din si Gideon. Pero siya ay nakamata lamang at naghihintay sa susunod na eksena. "First question. What is the favorite color of your wife?" Parehong blue ang sagot nila ng binata. Matched din ang sagot ng lahat. One all ang score. "What is the favorite color of your husband?" Madali lang pala, siyempre sabay silang lumaki ni Gideon kaya kilala nila ang isa't isa. Parehong white ang sagot nilang dalawa. Tama silang lahat. Two all ang score. "How many girlfriends did you have before your wife?" Tiningnan na Lara si Gideon, mukhang nagbibilang dahil nakatungo ang ulo nito. Kahit siya walang ideya. Sinulat niya ang word na "plenty". Nang ipakita ang mga sagot ay pareho sila ng sinulat ni Gideon. Dalawang pares ang nawala at kasama sila ni Gideon sa mga naiwan. "Okay, thank you Ma'ams and Sirs. Sana walang mag-aaway sa gabing ito," pagbibiro pa ng emcee. "Next question. What is the waistline measurement of your wife." Sumulyap si Lara kay Gideon at nakatingin din pala ito sa kanya at pilyo pang ngumisi. Natural, alam nito ang kanyang vital statistics dahil model siya. Isinulat niya ang 22 inches at matched din ang sagot nila. One all ang score sa dalawang mag-partner na naiwan. "Next question. What is the favorite position of your husband -" sinadyang ibitin ng emcee ang sasabihin nito. Gumibik naman sa kilig ang katabi niyang babae. "when he's asleep?" Napangiti si Lara. Iyon lang pala. Madalas niyang makatabi si Gideon sa pagtulog noong mga bata pa sila. Isinulat niya ang 'nakadapa'. Two all ang score. "Next question. When and where is your first kiss with your husband happened?" Parang napaso si Lara sa tanong. Sumulyap uli siya sa binata. Pilyong kumindat ito sa kanya. Ibinaba niya ang tingin sa whiteboard at saka nagsulat. '10 years ago - basketball court.' Pareho nga sila ng sagot ni Gideon. "Ladies and gentlemen, we have a winner! Mr. and Mrs. Posadas!" Tumayo silang dalawa para tanggapin ang certificate ng kanilang premyo. Hindi siya nakapagreklamo ng pagsalikupin ng binata ang kanlilang mga kamay. Itinodo na talaga nito ang pagpapanggap na mag-asawa sila. "Congratulations. How about a good luck kiss," tukso pa ng emcee sa kanila. Wala siyang nagawa ng mabilis siyang hinalikan sa lips ni Gideon Rey sa harap ng maraming tao. Siyempre pa, ginamit nila ang certificate na napanalunan. Isang puting-puti na kama, glass-enclosed jacuzzi at shower room na may love seat pa ang makikita sa loob ng matrimonial suite. May malapad itong couch, high definition TV, USB drive music player at nasa ibabaw na rin ng center table ang sexy drinks na kasama sa premyo. Kung totoo silang mag-asawa at mahal niya ang kanyang kasama ay napakasarap sana ng pakiramdam at punong-puno siya ng excitement subalit naroon lang sila para sa isang misyon. Ang bumuo ng magiging anak niya para makuha ang hinihingi niyang mana mula sa kanyang ama. Kinuha ni Gideon ang dalawang goblet at sinalinan ng alak. Ibinigay sa kanya ang isa. "Let's cheer for the success of your plan, Lara." Pinag-clink nila ang dalawang goblet at sabay silang tumungga. Binuksan ng binata ang built-in music player at nagkataon na isang love song ang tinutugtog. Nagulat pa si Lara ng kinabig siya ng binata sa baywang at isinayaw-sayaw siya nito. "Akala ko nakalimutan mo na ang mga bagay tungkol sa atin," malambing na sabi nito at ipinatong ang kanyang dalawang kamay sa balikat saka mahigpit na yumakap ang dalawang kamay nito sa kanyang baywang. Nagdikit ang kanilang mga katawan at walang nagawa si Lara kundi salubungin ang mga titig nito. "Hindi naman ako nagka-amnesia para makalimutan ko ang mga iyon," wika ng dalaga. "Lara, baby," usal ni Gideon habang tinutudyo ng labi nito ang mga labi niya. "Gideon, puwede bang gawin natin ito ng mabilisan." Lubhang kainip-inip sa kanya ang seremonyas na ginagawa ng binata. "Lara, gusto kong tawagin mo uli ako katulad ng dati. Please. Just for three days," malambing na wika ng binata at mas hinapit pa siya para lalong magdikit ang kanilang mga katawan. Ramdam ni Lara ang hininga nito sa kanyang punong tainga. "Rey," sabay buntong-hininga ni Lara, "puwede bang bilisan natin?" Gusto niyang sabihin na malalim na ang gabi at dapat ay tulog na sila. "Lara." Humiwalay si Gideon saglit at hinaplos ng isang kamay ang pisngi ni Lara habang ang isang kamay ay pinipisil ang maumbok na pang-upo ng dalaga. "We'll stay here for three days. Let's enjoy our stay here." Habang patuloy sila sa pag-ugoy sa saliw ng malamyos na musika at lalong humigpit ang yakap ng binata at ang mga kamay ay nagsimulang humaplos sa mga kurbaba ng dalaga. Ramdam ni Lara ang mabilis na paghinga nito at ang mainit na dampi ng labi nito sa kanyang punong tainga. Nakikiliti siya sa ginagawa nitong paghalik sa kanyang punong-tainga na unti-unting bumaba sa kanyang leeg. Kinakabahan siya dahil first time siyang aangkinin ng isang lalaki at hindi niya alam ang pakiramdam. Banayad na sinakop ng binata ang kanyang mga labi at napilitan siyang tumugon dito. Nagpatianod siya sa ginagawa nito at nagsimulang maglumikot ang mga kamay nito at unti-unting tinanggal ang kanyang mga damit. Unti-unting uminit ang kanyang pakiramdam dala marahil ng ininom niyang alak at sa ekspertong mga kamay ni Gideon. Bumaba ang mga labi ni Gideon sa kanyang leeg habang ang kamay nito ay tinatanggal ang hook ng kanyang bra. Pagkatapos ay dumako ang mga labi nito sa kanyang malulusog na dibdib at sabik at salit-salitang inangkin ang mga korona nito. Binuhat siya nito at ibinaba sa malambot na kama. Sabik na muling sinakop nito ang kanyang mga labi at kusa niya itong tinugon. Pakiramdan ni Lara ay uminit ang buo niyang sistema at ang kanyang mga kamay ay pumulupot na kusa sa matipunong likod ng binata. Muli nitong pinagpala ng bibig ang dalawa niyang nakahumindig na korona. Huminto si Gideon at buong kasabikan na pinagmasdan ang kabuuan ni Lara. "I will be your best lover, Lara. Tonight will be your best bedroom experience.” Pumikit si Lara, handang-handa na siya at maging ang kanyang sistema ay nananabik. Punong-puno ng kasabikan ang mga mata ni Gideon habang nakatitig sa alindog na nakahain sa kanya. Hindi niya akalain na magkakaroon pa siya ng pagkakataon na maangkin ito. Matitikman ni Lara kung paano magpaligaya ng babae ang isang Gideon Rey. Mabilis niyang hinubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Napalunok si Lara ng mapagmasdan ang hubad na katawan ni Gideon. Nanabik ang kanyang buong sistema sa antisipasyon kung ano ang idudulot sa kanya ng nakahumindig na sandata nito. ** Humupa na ang ningas nila pareho pagkatapos ng ilang ulit nilang marating ang rurok ng ligaya. Inayos ni Lara ang pagkakahiga dahil hinihila na siya ng antok. Hinatak ni Gideon ang kumot para itakip sa mga hubad nilang katawan. Yumakap ang binata sa kanya habang malamlam ang mga matang tinutudyo ng mga labi nito ang mga labi niya. "I will miss making love to you, Lara." Isang malalim na halik ang iginawad nito sa dalaga. Nakapikit na si Lara sa antok pero ibinuka niya ang kanyang bibig para bigyang daan si Gideon at tugunin ang halik nito. "Good night," wika ng binata saka nahiga. Nakatulog agad si Gideon pero gising pa si Lara. Naglalaro sa isip niya ang mga ginawa nila. Hindi niya mahal si Gideon pero ibayong sarap ang dala sa kanya ng pakikipagtalik dito at nagustuhan niya ito. Pumikit siyang nakangiti hanggang sa makatulog. Kinabukasan ay naalimpungatan si Lara ng may maramdamang humahaplos sa kanyang pisngi. Nakangiting Gideon ang nakita niya pagdilat ng kanyang mga mata. Naka-boxer shorts na ito at t-shirt at amoy bagong paligo. "Good morning. You slept like a log," bati nito sa kanya. "Good morning." Uminat-inat muna si Lara. Kay gaan ng kanyang pakiramdam kahit may mahapding parte sa pagitan ng kanyang mga hita. Nalaglag ang kumot na nakapulupot sa kanyang hubad na katawan ng bumangon siya. Pilyong napangisi si Gideon at kinuha nito ang kanyang roba saka ipinatong sa kanyang balikat. "Cover your body or else mauuna kitang kainin." Pairap niyang kinuha ang roba at isinuot. Dumiretso siya ng banyo dahil nahiya siya kay Gideon. Nag-mouthwash muna siya at naghilamos. Nagsuklay ng buhok at tiningnan ang sarili sa salamin. May mga kiss marks ang kanyang dibdib at namumula pa ang kanyang dalawang korona. Mahapdi ang pagitan ng kanyang mga hita pero bakit parang gusto pa niyang maulit ang ginawa nila kagabi? Napakagat-labi siya at inayos ang roba. Paglabas niya ay nakatayo sa labas ng banyo ang binata at niyakap siya nito at masuyong humalik sa labi niya. "Let's eat while the food is hot," wika nito sa kanya. May nakahanda ng pagkain sa mesa at ipinaghatak siya nito ng upuan. "What's your plan after this?" wika nito sa kanya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato. About what?" kunot-noo na tanong ni Lara. Buo na lahat ng mga plano niya at tuloy na iyon pagkatapos niyang magbuntis at makapanganak. "About our baby?" Tumingin si Gideon Rey sa kanya na waring binabasa ang reaksiyon niya. Nagkibit-balikat lang ang dalaga."Maiiwan siya kay Papa." Ang totoo nagi-guilty din siya dahil kung pumayag lang sana si Gideon sa surrogate mother ay wala rin sana siyang guilt feeling na dadalhin. "Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako para sa kanya. Malungkot ang lumaki na may kulang sa pamilya." Malalim na buntonghininga ang sunod-sunod na ginawa ng binata at tumigil sa pagkain. "Gideon Rey, pareho lang tayong lumaki na kulang ng isang magulang. Ikaw, hindi mo na nakita ang iyong ama, ako naiwan ng Mama ng maaga. At saka hindi siya pababayaan ni Papa," katwiran niya sa binata. Kahit anong sabihin nito ay hindi siya papaapekto. Kailangan niyang lumayo. Doon sa malayo ay magagawa niya ang nais niya ng walang humaharang at kumukontrang kamag-anak. "So, hindi na pala kita mapipigilan." Malungkot na tumingin si Gideon sa dalaga at pagkuwa'y itinuloy na nito ang pagkain. "Gideon Rey, ‘wag mo ng subuking baguhin ang mga plano ko," wika niya rito at ipinagpatuloy na rin niya ang pagkain. Ayaw niyang mag-isip ng makakasira pa ng lahat ng mga plano niya. Naghihintay na sa kanya si Andrea.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.6K
bc

His Obsession

read
72.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook